Chapter 5

640 33 0
                                    

"Hershey, I call you out because we need to cancel your community service. I think, next week na mag re-resume ang punishment mo for breaking the school rules. We need to use our pool area for the swimming lessons, lahat naman na malinis na, we're just finding a place kung saan ilalagay ang mga student na may punishment like you."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng Dean namin. Salamat naman at naisip nila 'yan. Sa dami ng gagawin ko hindi ko maisip na madadagdagan pa 'yon. Sana last na 'to. Hindi na yata kakayanin ng lakas ko? At least aware ako ngayon na anytime pwedeng may ipagawa saakin ang Dean dahil sa punishment. Kailangan ba kasi talaga 'yon?!

"Okay Sir. I will just ready myself for the punishment." Sabi ko at umalis na ng Dean's office.

Ayun lang pala bakit hindi na lang niya pinasabi? Pinaglakad pa ako ng ilang steps. Dagdag hassle and pagod lang. I walk as fast as I can dahil naalala ko na may isang homework pa pala ako na hindi nagagawa dahil super busy nga ako sa work. Magaling ako sa multi-tasking pero hindi na kinaya ng katawan ko, grabe lang talaga.


Pumasok ako ng room at as usual.. nagbabatuhan ng mga papel ang classmates ko. At dahil ako ang nagpahinto sakanila sa PAGLALARO, mga hinayupak silang matandang isip bata na walang alam ginawa sa buhay kundi pabigatin ang mundo, ako ang napag tripan nila. Akala kasi nila na isang teacher ang pumasok kaya napahinto sila sa ginagawa nila, pero ng makita na isang walang'yang katulad ko lang pala, ako ang napagtripan.. ako ang binato.

"Wooh! This hideous girl disturbs us!" Pangunguna ni Yowan na feeling maraming kilala sa room e kakalipat lang naman. Binato pa ako ha?


Sumunod naman ang mga alagad niya na classmates ko, binato rin nila ako. Hindi ko lang pinansin, lalo lang magpapapansin ang mga 'yan. Mas maganda kung ganito na. Iisipin ko na lang na wala akong nararamdaman. Wala akong naririnig! Wala akong nakikita, hanggang sa..

*boooogssh*


"Ouch!" Daing ko at napahawak sa pwetan ko.

"Hahahahahaha."

Tawa lang ng tawa ang mga classmates ko dahil sa pagbagsak na nangyari saakin. Bwisit si Irene e. Kitang kita ng dalawang eyebags ko, este mata ko na pinatid niya ako sa paa niya! Tapos ngayon ngingisi ngisi siya?!


"Ooops! The sahig is tatanga-tanga, he don't make iwas! Sahig! Say sorry to Hershey!" Sabay tawa ni Irene na kinakausap ang sahig.

Sinong tanga ngayon? Ang sahig o siya? Kausapin ba naman ang sahig. Pero 'yung pwet ko e! Hindi ako makatayo! Tatawanan pa ako ng mga kaklase ko. Wala namang unity dito! O baka meron naman, ayaw lang naman talaga nila akong tulungan? Ugh.


Tatayo na sana ako para hindi ako magmukhang tangang nagpapaawa para may tumulong saakin ng may makita ako na isang kamay sa harapan ko. Siyempre yung parang sa TV, tinignan ko kung sino 'yon at nagulat na lang ako ng makita ko si Icen na nakatayo sa harapan ko habang nakalahad ang kamay. Waaaah! Tinutulungan niya ba ako?

"Nangangalay ako." Sabi niya.

I bite my lower lips to control my feelings. Ene be? Kenekeleg eke. Waahh! Parang yung sa TV lang? Para sweet, dahan dahan kong iniabot ang kamay ko sakanya na parang slow motion. Haba ng hair!


"Okay ka lang?" Ayan pa! Magatatanong pa e, naiihi na ako sa kilig!

"Hey! Icen, you must ask the sahig if okay lang ba siya, mas na-hurt ang floor because nadaganan siya ng isang walking sumpa!" Sawsaw ni Irene na nagpasira sa kilig moment ko. Konti na lang e! Napupuno na ako sa babaeng 'to!

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon