Chapter 49

405 18 5
                                    

"Nakakainis naman. May trabaho pa ako mamaya e. Wala na akong pahinga nito. Bakit ba kasi tayo pa ang napag-initan ni Danica?"


Halos mabura na ni Irene ang sahig sa pagma-mop nya dahil sa inis. Naparusahan kami, lilinisin namin ang buong corridor, kailangan maayos ang mga bulletin boards, walang dumi sa sahig at prisentable ang lahat and worse, suspended kami. Madali lang naman 'to pero nawawalan ako ng gana lalo na kapag naiisip ko na magkasama ngayon si Yowan at Danica.

"Alam mo Hersh, kanina ka pa walang imik e. May problema ka ba?" Binitawan ni Irene ang mop tsaka umupo.

Umupo rin ako sa tabi niya, "Wala naman. Malungkot lang ako sa ginawa ni Danica." Pagda-dahilan ko.


"Ows? Baka naman hindi ka mapakali dahil naiisip mo na magkasama si Danica at Yohan? Yon ba 'yon? Hayaan mo, kahit na gaano kalakas ang kamandag ni Danica, ikaw lang ang mahal ni Yohan." Tinusok niya pa ang tagiliran ko kaya napangiti ako.

"H'wag ka nga! Hindi naman 'yon ang dahilan e. May tiwala naman ako kay Yowan. Ang laki naman kasi ng buong corridor, nakakapagod na, and baka maapektuhan ang grades ko dahil suspended tayo. Pero tapusin na lang natin para makapagpahinga na."

Tinapos na namin ang paglilinis at kaagad na nag-ayos. Gusto ko na siyang makita. Kinakabahan ako na baka totohanin ni Danica ang sinabi niya. Sana hindi, at sana h'wag magpadala si Yowan sakanya, baka hindi ako makapagtimpi pag nagkataon, baka mapalayas ko si Danica at masaktan ko pa siya.

"Puntahan muna natin si Yowan at ang impakta bago ka umuwi. Mukha kang unggoy na walang makain sa itsura mo. Baka kapag hindi mo pa makita si Yowan ako pa ang mapag-initan mo." Pang-iinis ni Irene.

"Irene naman, okay lang. Umuwi na tayo, para makapag pahinga na rin tayo." Tanggi ko. Baka kasi isipin niya na obssess ako kay Yowan.

"Tss. Okay lang ano ka ba? Diba tutulungan mo ako kay Icen? Tutulungan naman kita kay Yowan." Hinawakan niya ang braso ko tsaka niya ako hinila papuntang clinic kung nasaan ang dalawa. "Gusto ko rin kausapin si Danica." Dagdag pa niya.

Habang naglalakad kami, napahinto si Irene tsaka ako tinignan, "Ano 'yon?" Tanong ko.

"Shemay Hersh, mukhang nagloloko pa ang tiyan ko. Mauna ka na siguro sa clinic, ayan na lang naman o, abot tanaw mo na." Sabay turo niya sa clinic.

Umiling ako, "Sige na, hihintayin na kita. Dito lang ako, para maka-usap mo rin si Danica." Sabi ko.

"Sigurado ka?"

"Oo na. Dalian mo na."

"Okay. Don't go. Diyan ka lang. Mabilis lang ako." Sambit biya at kumaripas ng takbo.

Umupo nalang muna ako sa ilalim ng puno habang hinihintay si Irene. Napapatingin din ako minsan sa clinic pero hindi ko makita si Yowan.


Pinilit ko nalang ang sarili ko na h'wag tignan ang clinic at hintayin nalang si Irene. Habang tumatagal ang pag stay ko doon, nararamdaman ko na dumadami ang tao. Bakit nagsipuntahan dito ang mga estudyante? Hindi naman dito ang exit. At isa pa, kapag ganitong oras kakaunti nalang ang tao sa lugar na 'to. Anong meron? Ang ipinagtataka ko pa, bakit puro mga lalaki ang nagpupunta dito? Kakaunti lang ang mga babae at halos paalis narin. Bahala na nga.


Napatayo naman ako ng makita kong lumabas ng clinic si Yowan, mukhang tatakbo na siya pero huminto siya at bumalik sa loob ng clinic. Anong nangyari doon?

"Miss."

"Ay Yowan ko!" Ano ba yan?! Nanggugulat naman 'tong si Kuya e. Wait. Nakaakbay si kuya sa'kin. Agad akong lumayo sa tabi niya kaya nawala ang pagkakaakbay niya sakin. "Wha the." Bulong ko.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon