Chapter 15

497 24 3
                                    

"Irene. Ikaw ang nagpakalat ng mga posters?" Seryosong tanong ni Icen kay Irene.

Nanlaki ang mata ni Irene, hindi dahil sa sinabi ni Icen kung hindi dahil nakita niyang nakahawak sa braso ko si Icen.

"Oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh!!" Kinuha niya ang phone sa bulsa niya. "I'm gonna take a picture with this! Kailangang malaman ng lahat ang kalandian ni Hershey." She said at itinutok niya ang camera sa braso ko.


Iki-click niya na sana ng biglang bumitiw si Icen sa braso ko. Mukhang nainis naman siya kaya sinamaan niya kami ng tingin.


"Bakit ba ganyan ka kay Hershey?!" Sigaw ni Icen sakanya. Pati ako halos mabingi na sa sigaw niya, lalo na't katabi ko lang siya.


"Huh? Napapansin niyo pala na I don't like her?! You know kasi. Crush kita Icen, but you're always making lapit to Hershey, that's why I don't like her!" Paliwanag niya. Bigla namang sumulpot sina Danica at Yowan. "Oh, Yohan, Danica. Like that! Danica likes Yohan but Hershey hugs him yesterday. Danica.. gusto mo sabwatan tayo sa pagpapahiya kay Hreshey?" Tanong niya kay Danica.


"Kung ikaw si Hershey, siguro araw araw kitang pahihirapan. And, hindi ko gusto si Yohan. Yes, we became.. we became lovers but that's a long time ago! Please, just don't bother us. You have your own life Irene, you don't have to ruin others life." Mahinahong sabi ni Danica kay Irene.

Napakagat ng labi si Irene at mukhang aalis na pero pinigilan ko siya.


"Irene!" Sigaw ko.

Humarap siya sakin tsaka ako sinamaan ng tingin. "Don't call me!"


"No. Alisin mo lahat ng mga posters na ikinalat mo." Seryoso kong sabi.


Tumawa siya ng malakas. "Hahahaha! Are you blaming me?! For your information ugly duckling, I'm not the one who kalat that posters! So now you're making utos me?! Can you shut your dry purple lips!" Seryoso niyang sabi.


Hindi daw siya ang nagpakalat? E sino na naman? Baka siya nga ang naglagay ng daga sa bag ko at si Yowan naman ang nagpakalat ng mga posters? What do you think? Baka nagkabaliktad lang? Pero hindi. Tamad si Yowan at hindi siya mag aaksaya ng oras at pera para sa nga posters na yun. Tsaka wala nga siyang pera diba?


Waaah! Sino ba talaga?!


"Abnormal yata ang babaeng yun." Natatawang sabi ni Icen kaya ngumiti na lang ako ng pilit.


Maglalakad na sana kami papuntang room ng biglang nay tumama sa mukha ko na matigas na bagay.


"Ouch." Daing ko kaya napahinto ang tatlo sa paglalakad.


"Hershey, okay ka la- oops." Sabi ni Icen. "Sinong nagbato ng itlog sa mukha mo?" Nagtataka niyang tanong.


"May bago na naman siyang lalandiin after ni Yohan." Sabi ng mga tao sa paligid ko.


May dala lahat silang mga itlog at mukhang ibabato nila saakin lahat yon. Anong trip nila?


"Hey! Anong ginagawa niyo?!" Sigaw ni Icen sa mga estudyante na may dalang itlog.

May tumama na naman na isa saakin. "Babatuhin lang namin ng itlog ang malansang babaeng yan, bago pa siya may mabiktima." Sabi ng isang estudyante.



Bumwelo na ang iba para mambato rin pero may biglang may nagpunta sa harapan ko kaya siya ang nabato ng mga itlog.


"Yohan!" Sigaw ni Danica dahil nababato na ng malansang itlog si Yowan.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon