Chapter 38

451 16 2
                                    

Yohan's POV

"Hershey, gumising ka na. Kahapon ka pa tulog, miss na kita. Hinihintay ka na rin ng totoo mong parents."

Pinaglalaruan ko lang ang daliri ni Hershey habang binabantayan siya. Nasa hospital kami ngayon, magsimula kahapong nawalan siya ng malay hindi pa rin siya gumigising hanggang ngayon. Sabi ng doctor super stress daw si Hershey at pagod na pagod kaya ganito na lang ang epekto sakanya.

Kung ako siguro ang nasa sitwasyon ni Hershey hinding hindi ko kakayanin. Hanga ako sakanya, matatag siya. Kung saakin kaya mangyari lahat ng nagyari sakanya? Magiging matatag rin ba ako kagaya niya?

Isipin niyo, nabuhay si Hershey ng ilang taon sa taong hindi niya naman pala ka-ano ano na itinuring niyang tunay na magulang. Ang magirap pa doon, pinapahirapan siya ng kinikilala niyang magulang, si Hershey ang bumubuhay sa pamilya niya na dapat marangya ang buhay niya. Tapos isang araw malalaman niya na lang na hindi pala niya kaano-ano ang pamilyang pinagsisilbihan niya. Ang komplikado ng sitwasyon niya.


Alam ko na ang lahat, kahapon ko lang nalaman kaya wala ako sa party ni tita Dayane dahil naguguluhan ako sa nangyayari, nagpunta na lang ako doon ng aamin na si Hershey at para narin mabantayan ko siya.

Flashback

Inaayos ko ang itsura ko para sa party ni tita Dayane, siyempre dapat guwapo ako. Hindi naman pwedeng pangit ako sa party ni tita Dayane. Kung tutuusin hindi naman ako pumapangit dahil inborn na ang ka-guwapuhan ko pero gusto ko paring mag-ayos para magmukha akong fresh. Ang cool ko talaga. Shet, guwapo ko.

"Saan lakad mo?"

Napatingin ako sa nagsalita, si Hershey pala, inaayos niya ang shoulder bag niya. Shete, ito na naman. Ang pakiramdam na naman na 'to. Hindi ko maiwasan na tignan siya mula ulo hanggang paa. Talagang nag-iba na ang itsura niya, lalo siyang gumanda, liban sa naging maayos na ang pananamit at buhok niya, naging mature na rin ang itsura niya.

Pilit akong sumeryoso tsaka na nagsalita. "Anong akala mo? Ikaw lang ang invited sa party ni tita Dayane? Invited din ako." Kinuha ko ang phone ko sa upuan tsaka ulit siya tinignan. "Mauna na ako."

Lumabas na ako ng bahay pero hindi ako umalis kaagad. Gusto ko sana siyang isabay kaso nahihiya ako. Bakit ba ako nahihiya? Ganto siguro talaga ang mga guwapo, madalas mahiya, bahagi na siguro ng buhay ng guwapo ang mahiya. Hirap nito.

Nakatayo ako sa harap ng bahay, nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko kay Hershey na sabay na kami pero nahihiya talaga ako. Ugh. Sige na nga, isasabay ko na siya.

Sinilip ko muna siya sa bintana at nakita ko siyang nakaharap sa salamin sa sala, natigilan ako ng bigla siyang nagsalita, "Hershey, this is it. Tuloy ang plano mo. Lakasan mo ang loob mo, may karapatan kang ipaalam kay tita Dayane lahat ng katotohanan dahil ikaw ang tunay niyang anak, tinago lang sa'yo ni Danica ang lagat. " Huminga siya ng malalim tsaka pumikit. "Handa na ako.. fighting!"

Natulala ako sa sinabi niya. Totoo ba ang narinig ko? Ang gulo. Paano mangyayari lahat ng 'yon? Ang lakas rin ng trip nitong si Hershey para kausapin ang sarili niya sa harap ng salamin habang sinasabi ang mga yan. Hindi pa kasi siya kumakain kaya ganyan na lang ang nasasabi niya. Buti ako hindi ako natutulad sakanya.

Bumalik ako sa wisyo ko ng may kumatok sa pintuan ng bahay nila Hershey, si Danica pala. Hindi niya ako napansin dahil natatakpan ng halaman ang pwesto ko. Wala siyang tigil sa pagkatok ng bumalik sa isip ko ang sinabi kanina ni Hershey.

Tinago lang sa'yo ni Danica ang lahat

Tama. Baka nay alam si Danica sa sinabi ni Hershey. Meron nga kaya? Baka naman kasi uma-acting lang si Hershey. Pero malabo, seryoso sa buhay si Hershey, bakit niya naman gagawin ang ganoong bagay hindi ba?

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon