Chapter 28

436 20 4
                                    

"Hahahahaha!!!"


"Eeeww!! Why don't she check her self before going outside?"


"Oh my goodness. Nakakadiri naman 'yan."



Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko dahil bawat madaanan ko tinatawanan ako. Ano bang mga problema nilang mga pangit sila?! Nakaka pikon na ha?!



Naglakad na lang ako ng naglakad at hindi na sila pinansin ng may bigla naman akong maka bunggo.



"Ouch!!" Daing ng nakabangga ko, unfortunately, it's Irene.



"Sorry." Sabay yuko ko.



Naka sun glasses siya dahil mukhang may black eye pa rin siya. Sino kaya ang misteryosong sumuntok sa oh-so-gandang face DAW ni Irene? Nakakakilabot ha? Kinayanan si Impakta.



"I don't accept sorry! And you, how dare you to bangga me eh you have a tagos like eeeww!! You're so kadiri so don't dikit to me!!" Sigaw niya habang pinapagpag ang damit niya.



Nag cross arms ako, "Arte naman nito. Pangit pangit naman. Tsaka wala akong tagos, katatapos ko lang, imposible yang sinasabi mo." Depensa ko.



Totoo naman, last week pa tapos ang period ko, imposible ang sinasabi niya. Akala niya ba ma-uuto niya ako? No way!



"How dare you to say I'm ugly?! Arrgh! Why don't you check your self before saying that!! If hindi niya lang sinabi na h'wag kitang saktan, for sure I will sampal you na!" Sabi niya at iniwan na ako.



Ano daw? Kung hindi niya lang sinabi na h'wag kitang saktan for sure sasampalin niya na ako? Sinong tinutukoy niya? Pinagbawalan ba siyang saktan ako? Pero sino? Tss. Nakakalito. Hindi ko maintindihan.


"Ewww. That red stain really eeww."



Napatingin ako sa nagsalita. Ano bang problema nila? I-check ko na nga ang pants ko kung totoo ang sinasabi nila.



"Oh my gosh!" I shouted nang makita ko na may red stain nga.



Tumakbo ako papuntang restroom tsaka doon ko tinignan ng maayos. "Gosh! This is not even a tagos. Red paint lang 'to." Sabi ko sa sarili ko.



Hindi nga s'ya tagos. May mabait na tao lang ang ng trip saakin, at sino pa ba? Alam ko naman na si Yowan ang may gawa nito. Talagang malalagot siya saakin mamaya!!


Kinuha ko ang panyo ko tsaka pinantakip sa red stain sa likuran ko. Lumabas ako ng restroom at naglakad papasok ng classroom.



Pagpasok ko ng room, ang mukha ni Yowan kaagad ang bumungad saakin kaya nakaramdam ako ng inis. Nilapitan ko siya.



"Hoy ikaw!" Sigaw ko habang naka-turo sakanya.



Itinuro niya rin ang sarili niya. "What about me? Guwapo ba? Oo alam ko." Sabi niya habang pumipikit pikit pa.



Huh. Ang kapal naman ng mukha ng isang 'to, "Pwede ba Yowan? Hindi ako nakikipag biruan. Bakit mo ginawa 'yon?!" Tanong ko.



"Ang alin?! Ano bang pinag sasabi mo?" Kunyari pa ang mokong, alam ko naman na siya ang may kasalanan kung bakit ako nagka red stain.



"H'wag ka ng mag maang-maangan Yowan! Alam ko naman na ikaw ang may gawa nung.. nung.. red sta-"



"Wow. Na-tumbok mo ugly duckling! Pero siyempre mag mamaang-maangan muna ako para maganda. Tsk. Nagustuhan mo ba?" Sabi niya habang naka ngiti ng malapad.



Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon