Epilogue

805 34 9
                                    

Hershey's POV

Ilang minuto palang ang lumilipas pero ilang oras na para saakin. Bakit ang bagal ng oras? Ganito ba talaga kapag kasama mo ang taong mahal mo?

Kanina pa naka-upo si Yowan sa gilid ng kama ko, habang ako nakatungo lang at nakahiga. Hindi nagsasalita. Wala saamin ang nagsasalita.

Hindi ko alam kung anong pakay ni Yowan dito pero masaya ako dahil nasa tabi ko siya. Kahit ano pang dahilan niya.

"It's been two months Hersh.."

Napatingin ako sakanya, "H-huh?" Are we going to talk about what happened last two months? But why?

"Two months palang pero parang ilang taon na akong nasasaktan. Kahit hindi mo sabihin alam ko na nasasaktan karin sa nangyari. Hindi mo lang alam, ako ang pinaka-apektado sa mga nangyari." Napasimangot ako sa sinasbi niya pero wala akong nagawa kundi makinig nalang. "Kapag mahal mo, h'wag mong hahayaang masaktan. Alam ko sa sarili ko na kahit anong desisyon ang piliin ko masasaktan at masasaktan parin kita, ang pag pipilian ko lang talaga e saktan ka emotionally or physically. Pinili kong saktan ka ng emotionally, alam ko kasi na matalino ka at maiintindihan mo ako. Hershey mahal kita, walang nagbago doon, nasaktan lang kita kasi kailangan."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong gustong sabihin ni Yowan? Hindi ko maintindihan. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"Alam ko nalilito ka. Pero pwede ba nating kalimutan nalang ang nakaraan? H'wag na nating isipin ang nangyari. Ang mahalaga nasa tabi mo ako ngayon. Hindi na kita iiwan, at hindi narin kita sasaktan. Let's just forget what happened." Sambit niya.

"P-paanong?"

"Hershey, this is not a joke.  I want you to be my girl. Two months Hersh. Two months akong nagtiis na h'wag lapitan ka. Ngayon, pwede na kita ulit na lapitan ng wala akong inaalala. Pwede na kita ulit mahalin na walang pumipigil saakin. Sorry sa mga nagawa ko Hersh. Pero, pwede ba ulit kitang ligawan?"

Hindi ko maintindihan ang dahilan ni Yowan kung bakit niya ginagawa 'to. Pero wala na akong pakialam. Kita ko sa mga mata niya ang sincerity. Kita ko sa mga mata niya na nagsisisi siya sa mga nagawa niya at hindi niya ginusto na mangyari 'yon.

Ayaw kong palampasin lahat ng pagkakataon. Kung dati gusto ko pang maranasan na maligawan, ngayon ang gusto ko magmahal nalang at mahalin.

Hindi naman sa atat ako pero nakikita ko na deserve si Yowan saakin. Mahal niya ako at.. mahal ko siya.

Nginitian ko si Yowan. Hindi ako nagsasalita. Nagkatitigan lang kami hanggang sa may parang may humihila saakin papalapit sakanya.

Hindi ko na namalayan na naglalapat na pala ang mga labi namin.

Ilang beses niya na ba akong nahalikan? Pero this is the first time na walang nagalit saamin, ang totoo nga niyan ay masaya kaming pareho. Ilang beses niya na akong nahalikan pero parang ito ang first time.

Ang saya lang.

"I love you Hershey."

"I love you too Yohan."

Natigilan siya sandali tsaka siya ngumiti, "I love you too YOHAN?" Masaya niyang tanong.

"Yes. I love you too YOHAN."

"Mas gusto ko ang Yowan dahil ikaw lang ang may tawag saakin non. Pero mas gusto ko ang first 4 words na binanggit mo."

Napailing ako at tumawa ng mahina. I'm so.happy. "Oo na."

"I love you Hersh. Saakin ka na ngayon ha?"

Wala akong masabi. Kinikilig lang ako kay Yowan.

Oo Yowan, I'm yours.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon