Chapter 50

490 18 10
                                    

Hershey's POV

Two months later..

"Hershey, sumabay ka na saakin."

"Hindi na Irene, tatapusin ko pa 'tong project ko e."

Hindi na ako pinilit ni Irene na sumabay pa sakanya dahil oras na rin para umuwi at isa pa, may trabaho pa siya.

Nasa school ako ngayon. It's been two months. Normal na ang lahat. Balik sa dati ang buhay ko, ang pinag kaiba nga lang, hindi na ako naghihirap.

Nangunguna parin ako sa klase. Hindi tulad dati, wala na ang mga nambu-bully saakin. Naging maayos ang pakikitungo nila. Hindi na ako kaka-iba sa paningin ng tao sa paligid ko.

Two months na magsimula ng masaktan ako. Parang kailan lang kung umiyak ako tuwing gabi kapag naiisip ko ang nangyari. Nitong mga nakaraang araw ko lang napag-isip isip na baka hindi nga siya talaga para saakin.

Inalis ko nalang lahat sa isip ko ang nangyaring hindi maganda. Nakatira parin saamin si Danica pero hindi kami nag-uusap. Nasasaktan lang ako.

Si Yowan naman, matapos ang gabing sabihin niya na hindi niya pala ako mahal, umuwi narin siya sakanila pero madalas parin ang pag dalaw niya sa bahay namin. Hindi dahil saakin kung bakit siya madalas na dumalaw. Dahil kay Danica.

Tanggap ko na ang lahat. Pero hindi ibig sabihin na tanggap ko na ang lahat e hindi ko na mahal si Yowan. Mahal ko parin siya. Inaamin ko.

"Hindi ka pa ba tapos Hershey?" Tanong ni Icen habang inaayos ang gamit niya.

Umiling ako, "Malapit na."

"Ganon ba? Gusto man kitang hintayin pero kasi, pinapauwi na ako nila mama. Mauna na ako Hersh. Ingat ka." Paalam niya.

Tinanguan ko lang siya at nginitian.

Si Icen, walang nagbago sakanya. Mabait parin siya. Napapansin ko nga nitong mga nakaraang araw madalas ang paglapit niya kay Irene. Nasasabi ko na lang sa isip ko na 'iba na 'to'.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng classroom para umuwi pero parang nananadya ang tadhana. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

May payong ako, may sundo rin ako, pero ewan ko ba, ayaw kong makakita ng ulan ngayong araw. Bakit pa ba kasi umulan?

Kinuha ko sa bag ang payong ko at binuksan, hahakbang na sana ako pero nakita ko si Danica at Yowan. Nakatayo sila sa tabi ng corridor at mukhang hinihintay na tumila ang ulan. Hindi sila nag uusap, nakatingin lang sila sa tubig na pumapatak mula sa langit.

"Ano ba 'yan? Wala silang payong?" Irita kong sabi.

Sinara ko ang payong kong hawak at pinagulong papalapit sakanila. Ng tumama sa paa ni Yowan ang payong ko, dali dali kong nilusob ang galit na galit na ulan. Wala akong pakialam kung mabasa man ang project na pinaghirapan ko dahil sumumpong na naman ang sakit ko. Isang pambihirang sakit. Ayaw ko na nakikitang nahihirapan si Yowan kaya ko ginawa 'yon. Sana magamit nila.

Sumakay na ako ng sasakyan pero hindi ko muna pinapaandar sa driver, "Kuya, pwedeng sandali lang po? May hihintayin lang ako." Sambit ko sa driver na nagsusundo saakin.

Tumango lang siya. Dumungaw ako sa bintana ng sasakyan para hintayin na dumaan si Danica at Yowan. Gusto kong siguraduhin na ginamit ni Yowan ang payong.

Laking pasasalamat ko naman ng makita kong hawak ni Yowan ang payong ko. Gamit niya na ito. Pero ang pinagtataka ko, wala si Danica sa tabi niya. Hindi ba dapat sabay sila?

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon