"Kyaaaahhh!!! Kinikilig talaga ako! Kitang kita ko kung paano umamin kanina si Yohan sa'yo sa harap ng maraming tao!"
Kanina pa tili ng tili si Irene pero napapangiti nalang ako. Nakakahiya nga dahil bawat madaanan namin nakatingin saamin. Sobrang saya naman kasi talaga ni Irene, mas kinikilig pa saakin.
"Sus, Irene, ang ingay mo talaga. Pakana mo yatang lahat 'to e. Kasabwat ka rin ba ni Yowan sa confession na 'to?" I asked.
Umiling siya ng mabilis, "Ayaw na niyang magpatulong saakin. Alam mo bang sinugod niya ako saamin ng madaling araw? Galit na galit siya sa'kin. Hindi niya daw nagustuhan ang plano ko. Ang sabi ko kasi sakanya saktan ka niya, kapag nasasaktan din siya tuwing nasasaktan ka, ligawan ka nalang niya." Huminto siya sa paglalakad tsaka niya ako hinila pa-upo sa isang bench. "Antok na antok ako nong time na 'yon. Kumatok siya sa bahay, ang lamya ng dating niya tsaka ang sama ng tingin saakin, ang sabi niya, 'nasaktan ko siya, umiiyak siya! Ano ba kasi 'tong plano mo?! Paano kung lumayo ang loob non sakin?! Sa tingin mo kaya ko?!'" Ginaya niya pa talaga ang boses ni Yowan habang sinasabi 'yan. "Ang sabi ko sakanya ligawan mo nalang, tutulungan kita, pero tumanggi siya, baka daw pumalpak kapag ako ang nagplano. Ayos naman ang kinalabasan ng sarili niyang plano. Ano nga pala ang sagot mo sakanya?" Tili niya pa.
Napangiti ako, "Thank you."
"THANK YOU?! Dapat yes! Ganern." Napasapo pa siya sa forehead niya.
"Tss. Hindi pa ako ready. Gusto kong maranasang maligawan. First time 'to, gusto kong i-treasure ang lahat. Hindi ko naman siya paaasahin."
Tumili na naman siya, "What do you mean?! Gusto mo rin?! Yiiieeh. Kailan pa 'yan? Mahal mo na pala ba't pinahihirapan mo pa?"
"Kilala mo naman si Yowan, minsan may topak, minsan childish. I want to test him. Ayaw kong pumasok sa sitwasyon na hindi ko kayang i-handle. Kapag pumasa siya sa gusto ko, siguro that's the right time. Hindi ko naman kailangang itanggi, oo the feeling is mutual. Gulat na gulat nga ako. Hindi ko akalain na mangyayari 'to. Akala ko noon dahil kakaiba ako wala akong pag-asa na magustuhan niya, pero look what's happening."
Napabagsak naman ang dalawa niyang shoulder, "Buti pa kayo, sagot mo nalang ang hinihintay. Yong sakin, kailan kaya magco-confess? Ako lang naman kasi ang inlove e." Malungkot niyang sabi.
Sino naman ang binabanggit ni Irene? May nanliligaw ba sakanya? Sus. Luma-lovelife din pala 'to. Kaya pala ganito nalang kung makaasta.
"Sino ba 'yan?" Kantyaw ko.
"Si Icen. Ang tigas naman kasi ng puso ng crushy ko na 'yon e. Kung alam niya lang kung gaano ako patay na patay sakanya. Pero di bale, konting kembot nalang, mapapansin niya rin ako." Pagpapalakas niya sa loob niya.
Hahaha. So si Icen pala ang gusto nito? Pwede ko naman siyang tulungan dahil kaibigan ko naman si Icen. Sana nga lang magustuhan siya ni Icen. Hindi naman mahirap magustuhan si Irene dahil kahit na mukha siyang mataray, malinis pa rin ang puso niya.
"Don't worry, tutulungan kita sakanya." Sabi ko.
Napatalon naman siya,"Talaga?!! Waaah. Gusto ka 'yan. Bet ko 'yan." Masaya niyang sabi.
"Pero sa isang kondisyon.." sabi ko na nagpawala sa ngiti sa mukha niya.
"May kondisyon? Anong kondisyon?"
"Tulungan mo ako sa library, ibabalik ko lang 'tong hiniram kong book at hihiram ulit ako ng iba."
"Ayon lang naman pala e! Akala ko pa naman kung ano! Sige na, halika na. Ang dali dali lang." Hinila niya pa ako patayo tsaka siya kumapit sa braso ko at naglakad na.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...