"Whaaat?!!!"
Pareho kaming napatakip ni Tita Sasha sa tenga sa pagsigaw ni Yowan. OA ba siya o sadyang nakakagulat lang ang sinabi ni Tita sakanya? Pero kung iisipin ko, siguro ganyan din ang magiging reaksiyon ko kapag sinabi 'yan saakin, baka nga mas grabe pa. Hello! Si Yowan kaya 'yan! Kaaway ko 'yan! Hindi ko nga alam kung saang bagay kami nagkakasundo tapos makakasama ko pa siya sa bahay? Kakayanin ko kaya?
"Yohan, don't shout. Remem-"
"Don't shout?! Ma!! Alam mo ba ang ginagawa mo?! Teka, bakit mo nga ba ginagawa 'to?!"
"Tinatanong mo kung bakit?! Tanungin mo ang sarili mo! Yohan, gusto ko magbago ka, hindi para sakin ang ginagawa ko kundi para sayo! Sana naman.. kahit ngayon lang sundin mo naman ako. Ilang beses na naming sinubukan na baguhin ka dahil sobrang nakakasakit ka na pero wala, walang nangyayari, lalo lang lumalala ang bad attitude mo. So please, h'wag ka ng umangal pa."
Natahimik si Yowan sa sinabi ni Tita Sasha. Tumingin saakin si Tita tsaka ako tinanguan, mukhang nagalit siya sa inasal ni Yowan. Kahit naman siguro ako magagalit kung ganyan makaasta ang anak ko.
"Iwan niyo na yan jan. Tara na." Sabi ni tita sa dalawang maid.
Bago umalis ang dalawang maid, may ibinigay silang maliit na envelope saakin. Itatanong ko sana kung ano 'yon pero umalis na sila. Naiwan naman kaming dalawa ni Yowan na nakatayo. Expect ko hahabulin ni Yowan si tita Sasha pero wala e. Na stock up na siya sa kinatatayuan niya. Natakot siguro kay Tita. May kinatatakutan naman pala.
Umupo ako sa upuan tsaka binuksan ang envelope na ibinigay saakin ng maid. Letter pala mula kay Tita Sasha 'to. Akala ko pa naman kung ano. Babasahin ko na sana pero biglang nagsalita si Yowan na kanina pa nakatayo at tulala lang.
"Nasaan?"
Napakunot ang noo ko, "anong nasaan?" Bago niya pa sagutin ang tanong ko, may umalingasaw na na masangsang na amoy. Alllk! Bakit amoy.. amoy septic tank? Yaak.
"Y-yung CR?! Dali!!" Sagot ni Yowan kaya humagalpak ako sa kakatawa.
"Hahahaha!! Grabe! Ang baho! Hahahaha!!" Napapahawak na ako sa tiyan ko sa sobrang saya. Kadiri. Hahahaha. Ano ba kasing kinain niya?
"Kung ang tawa mong 'yan sinabi mo na lang kung nasaan ang CR may sense pa! Nagsayang ka na nga ng oras nagsayang ka pa ng laway! Dali, nasaan?!"
"Ayan lang. Sa kaliwa!" Sabay turo ko sa CR.
Baka dito pa siya magkalat. Kadiri lang. Tsaka kawawa naman siya. Pasalamat siya at may awa ako. Hahaha. Ang baho talaga!
Pagkatapos kong tumawa ng tumawa, binasa ko ang sulat ni Tita Sasha. Nakasulat lang naman ay h'wag ko daw pababayaan si Yowan at magkita daw ulit kami bukas sa coffee shop. Wala naman daw dapat na ipag alala sa pagtakas ni Yowan saamin dahil sinabihan na daw ang guard sa subdivision nila na h'wag siyang papasukin. Lahat din ng mga kaibigan niya sinabihan na rin, pati na rin ang mga nakakakilala sakanya. So, hindi siya makakatakas. Para kasing aso ang mokong. Wala rin naman daw siyang account sa banko dahil bata pa siya, bukas daw ibibigay ni Tita ang allowance ni Yowan ng one week, sakto lang daw dahil iniiwas siya sa luho, kada sunday daw ibibigay ni Tita ang allowance niya. Okay na rin 'yon, para madala ang loko.
"Ano bang pinakain mo kay Mama at naisipan niyang gawin 'to saakin?"
"Ay aso!" Nakakagulat naman ang biglang pagsulpot nitong si Yowan.
"Ang guwapong aso ko naman. So ano nga? Anong pinakain mo kay Mama?" Nag cross arms siya tsaka sumandal sa pader.
"Hahaha. Ikaw, anong kinain mo at nagloko yang tiyan mo?" Natatawa kong tanong.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...