Chapter 8

590 33 2
                                    

Nakangiti akong naglalakad papunta sa coffee shop. Ang saya lang. Yung chewing gum ko sa buhok, kung hindi niyo naitatanong, natanggal na. Kasi naman, tinulungan ako ni Icen. Oo, yes, fact, that's true, tama kayo! Tinulungan niya ako. Ang sweet lang! Lalo na ang tingin saakin ni Irene, ang bitter lang. Parang papatayin niya na ako sa sobrang inis. Aba, kasalanan ko ba na gusto akong tulungan ni Icen?


Tsaka, wala si Yowan. After kong magpunta ng Guidance office kanina, hindi ko na siya nadatnan. Cutting classes malamang, diyan naman siya magaling. Rule breaker nga diba? Kainis, may nalalaman pang ganon. Kaartehan!


Hindi ko naman hahayaang sirain niya ang araw ko ng ganun-ganon na lang. Ang saya nga e, halos kausap ko lagi si Icen kanina. Nandoon din si Danica na kumakausap saakin about sa parents ko at sa estado ko sa buhay. Ang weird niya nga, iba ang ekspresyon na ibinibigay niya kapag nag ku-kwento ako. Parang may awa at the same time inis? Basta! Ganon 'yon.


Nakangiti akong pumasok sa coffee shop, nawala naman ang ngiti sa mukha ko ng makita kong walang customer kahit isa. Usually kapag ganitong oras, napupuno ito ng mga tao especially students. Bakit tungga yata ngayon?


Lalo pang kumunot ang noo ko ng may marinig akong ingay. Parang sa pelengke? Oo ayun nga, yun ang tamang definition.


"Talaga?! Yiieeh! I wanna see them all!" Sigaw ng matinis na boses.


"Yes. So guys be ready, mga 30 minutes nandito na sila. So, open na tayo?"


May nagsilabasan mula sa office ni Manager kung saan nanggagaling ang ingay. Teka, bakit nasa office ang mga katrabaho ko? Holiday ba? Hindi naman. Bakit mukhang ang saya nila?


"Hershey!" Sigaw ng isa kong ka-trabaho kaya nginitian ko siya.

"Ah, Hershey, go to my office now." Sabi ni Manager tsaka siya pumasok sa loob ng office.


Napakunot ako ng noo at napatingin sa mga co-workers ko na kasalukuyang sinusuot ang mga aprons nila. Nilapitan ako ni ate Jai, yung kasabay ko sa duty.


"Hershey, darating sila Mrs. Dayane Young kasama ang asawa't anak niya!" Excited niyang sigaw kaya nanlaki ang mata ko.


Kaya sila masaya? Sa tinagal-tagal ko na ngang nag ta-trabaho dito, hindi ko pa nakita ng personal si Mrs. Dayane at si Mr. Daniel na asawa niya. Waaah! Na excite tuloy ako.



Nginitian ko si ate Jai at pumasok sa office ni Manager kasabay ng pagpasok ng i-ilang customer sa coffee shop. So nag break sila ng ilang oras?


"Manager." Pag uumpisa ko.


"Hershey, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Siguro nga tama si Ma'am Danica na bata ka pa para sa trabahong ganito, sorry but I need to fire you, you're fire."


Natahimik ako sa sinabi ni Manager. Teka ha? Lilinawin ko lang ang sinasabi niya, bata pa raw ako, ay ano daw? Ano ba kasi? I-fa-fire niya ako?! Bakit biglaan?! Seryoso ba siya?


"Manager, seryoso po ba kayo? Nako po, nakakatawa po pala kayong magjo-"



"I'm not kidding Hershey. Alam mo ba na pwedeng kasuhan ng child abuse ang company ng mga Young dahil sa child labor? Oo biglaan pero, sumusunod lang ako sa iniutos ng may ari. Sa ayaw at sa gusto mo, aalis ka ng coffee shop na 'to. Pwede ka namang bumalik, pero kapag nasa legal age ka na. So, finish."


Ah! Pwede ko pa namang kausapin si Manager at magpumilit 'di ba? Malay mo maawa siya. Iisipin ko pa lang kasi na wala na akong trabaho, saan na lang ako kukuha ng pera pangkain at paggawa ng projects ko? Grabe naman. Bakit kasi biglaan?


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon