A/N:
Warning: Hindi maganda ang kinalabasan ng chapter na 'to. Pilit kong binabalik ang loob ko sa Destined to be Different, pinipilit kong ma-inlove ulit sa story na to pero ang hirap. Hahaha. Hindi kasi ganito ang genre ng story na gusto ko kaya medyo nahihirapan ako. Siguro mamadaliin ko na lang siya. Malapit na ring matapos. I-enjoy niyo na lang ang story. Thanks!***
"Maglalakad lang ba tayo Danica?"
Nagtataka lang kasi ako dahil walang sasakyan sa harap ng bahay namin. Maglalakad lang ba kami o magco-commute?
"Hindi tayo maglalakad. The car is in the corner of your street. Maputik kasi ang daan papunta sa bahay niyo kaya hindi ko na pina-pasok ang sasakyan, baka marumihan or maputikan lang. Medyo marumi kasi dito sa part niyo." Sabi niya sabay turo sa dinadaanan namin.
Nainsulto ako sa sinabi niya kaya napa simangot ako. Oo alam ko ma-putik naman talaga ang daan dahil sa ulan kagabi pero normal lang 'to. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o sadyang may kaartehan lang siya. Isa lang ang masasabi ko, ang kapal ng mukha niya.
"Hahaha. Tama ka, madumi nga ang part namin. Pero mas pipiliin mo pala talagang madumihan ka h'wag lang madumihan ang sasakyan mo ano? Parang buhay lang.. mas pipiliin nilang maging masama mapunta lang sakanila ang nga materyal na bagay at kayamanan." Napahinto siya sa paglakad tsaka niya ako tinignan ng bahagya. Hinawakan ko na lang ang kamay niya tsaka ngumiti. "Hahaha. Halika na. Napapahugot tuloy ako." Sabi ko na lang para hindi siya makahalata.
Infairness, nagustuhan ko ang reaksiyon niya ng sabihin ko 'yon sakanya. Hindi ko man mabasa ang nasa isip niya pero nakikita ko sa mata ni Nica ang lito at takot. Pero ayaw ko namang madaliin ang lahat, gusto ko pang makipag laro sakanya, at ngayon ko na uumpisahan ang game na 'yon. Kung magaling siya pagdating sa kaplastican at napaniwala niya ako na kaibigan ko talaga siya, kaya ko ring gawin sakanya 'yan.
Pagdating namin sa kanto, agad kong nakita ang sasakyan na gagamitin namin. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa kamay ni Danica tsaka agad na pumasok sa loob ng sasakyan at iniwan siya sa labas.
Ngumisi ako tsaka tinignan ang kainis inis niyang mukha. "The game begins Nica." Sabay ngisi ko.
Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang tinitignan si Nica. Halata sa mukha niya ang pag kainis pero huminga na lang siya ng malalim at akmang bubuksan na ang pintuan ng kotse pero inunahan ko siya, binuksan ko ng pagkalakas lakas ang pintuan ng kotse kaya natamaan siya at napa-upo sa maputik na daan.
Ngumiti ako pero agad ring sumeryoso para umacting na concern ako sakanya. Puno KUNO ng pag aalala ang mukha ko pagbaba ko ng kotse.
"Danica!" I shouted while helping her na makatayo.
Bakas sa mukha ni Danica ang pag kainis pero napa iling na lang siya at nagpatulong na ngang tumayo. Puno ng putik ang damit niya na halos mapatalon na siya dahil sa pandidiri pero hindi niya nagawa. Binalot naman ako ng awa habang naka tingin sakanya.
Ang sama ko. Ginagawa ko ba talaga 'to? Oo alam ko na malaki ang kasalanan saakin ni Danica but revenge is not the finest thing to do. Baka lumala lang ang lahat sa pinaggagagawa ko. Bakit ko nga ba ginagawa kay Danica to? Naawa ako sakanya pero mas naaawa ako sa sarili ko. Binalot ako ng galit kaya ko 'to ginagawa, pero naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang patagalin ang ginagawa ko kay Danica. Naaawa talaga ako. Ang sama sama ko.
Yumuko sa harap ni Danica, "Danica, sorry, sorry hindi ko sinasadya." Nahihiya kong sabi.
Hinawakan ako sa braso ni Danica, "it's okay Hersh. Alam ko naman kung gaano ka kasabik na makasakay sa mamahaling sasakyan kaya nangyari 'to e." Sumeryoso ang mukha ko sa sinabi niya pero natawa na lang siya. "Kidding! Hahahaha!" Sabi niya at sumakay na siya sa kotse na sinundan ko naman.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Fiksi RemajaSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...