Chapter 14

493 22 0
                                    

"Teacher si Irene po ang kumuha ng reviewer sa bag ko at siya rin po ang nagsagot nito." Sabi koy Teacher Garcia. Kailangan niyang malaman to kaagad.



"Okay, ipapatawag ko lang si Irene." Kalmado niyang sagot.



Sana naman ako na ulit ang representative ng school namin. Para rin to sa scholar ko. Sobrang laking tulong lang. Paano ba ako naisahan ni Irene? Kainis naman.



Hinintay lang namin si Irene at agad naman siyang dumating. Ang kapal naman sobra ng make up niya sa mukha tapos sobrang ikli pa ng damit.



"Yes?" Taas kilay niyang tanong kay Teacher Garcia tsaka ako tinignan ng masama.



"Is that true na ikaw ang sumagot ng binigay kong reviewer for her?" Tanong ni Teacher.


Tinignan ako ng masama ni Irene. "That was not totoo! Why would I sagot that reviewer ba? I didn't galaw it nga e!" Sigaw niya pa habang nakatingin ng masama saakin.




Tumingin saakin si Teacher. "Paano mo nalaman na siya ang sumagot?"



"Kanina po kasi, sa garden, narinig ko siya na sinasabi niya sa kasama niya na masaya daw siya dahil nagawa niya ang gusto niyang gawin sa-"



"But you don't have evidence kaya! You're so mapangsisi! Don't blame me nga!" Sabi kaagad ni Irene na halatang defensive. Tss. Di ba pwedeng patapusin muna ako?



"Irene, can you please lower down your voice?" Sabi ni Teacher sakanya pero napairap lang siya. "Sino ba ang paniniwalaan ko sa inyong dalawa?" Mukhang frustrated na si Teacher dahil saamin ni Irene.



"Me! Ako ang paniwalaan mo because I'm maganda, I'm trustworthy! Unlike this girl.." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You can't even trust her becau-"



"Bakit mo ba kasi ginawa yon?" Tanong ko na lang dahil ayaw ko ng marinig ang sasabihin niya. Iinsultuhin niya na naman ako?



"I didn't do it nga! Why so kulit ba?! And if true ang binibintang mo sakin, it's your fault din! Why did you hayaan me ba to answer that reviewer. It's your fault, not mine, and I didn't even do that." Paliwanag niya.



Magsasalita na sana ako kaso naunahan na ako ni Teacher. "Okay, the two of you can go now." Inayos na niya rin ang mga gamit niya.


Kumunot naman ang noo ko. "Po? Bakit?" Nagtataka kong tanong dahil pinapaalis na niya kaagad kami.


"You don't need to explain Hershey. Irene is right. Kung totoo man ang binibintang mo sakanya, why did you let her to do that? Dapat iningatan mo ang reviewer, o kaya naman chineck mo muna bago mo ipinass lalo na't alam mo na hindi ikaw ang nagsagot non. And isa pa, I'm sorry to say this but.. I can't even trust you." Paliwanag niya kaya laglag panga ko. Totoo ba yun?


"See? They can't even trust you even with the small things." Sabi ni Irene sabay hampas ng buhok niya sa mukha ko. "Nire-rebond to araw araw." Pagmamalaki niya at nagwalk- out.


Gusto kong matuwa sa sinabi niya na 'nire-rebond to araw araw' parang tanga lang siya. Pwede bang ganon? Tanga talaga. Ang sarap sabunutan ng loka. Nakakainis!



Lumabas na lang ako ng faculty at dumeretso sa room. Hindi ako naniniwala na hindi nagtitiwala saakin si Teacher, kung hindi niya ako pinagkakatiwalaan, bakit ako ang unang ginawa niyang representrtive ng school? Tss.


"Here is the criminal, loser, bitch, and ofcourse, malandi girl. Let's give her a round of applause!" Sigaw ni Irene pagpasok ko pa lang.


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon