Chapter 31

434 17 13
                                    

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon Yowan? Nasa katinuan ka pa ba?!"

Paikut-ikot lang ako sa labas ng clinic ng school at hinihintay si Icen na makalabas. Hindi ko talaga maintindihan si Yowan minsan. Bakit kailangan niya pang saktan si Icen? Ano bang problema nilang dalawa?

"Bakit mo ba ako pilit na pinapagalitan?!" Inis na sigaw ni Yowan saakin.



Napairap ako. "Malamang lang na magalit ako sayo at pagsabihan kita dahil nakasakit ka e! Ayun lang naman. Sinaktan mo kasi si Icen!" Sigaw ko rin.



"Nag aalala ka ba talaga sakanya?" Kalmadong tanong niya.

Napatingin ako sakanya. Tinatong pa ba niya talaga 'yan?


"Hindi ba halata? Ang la-"



"Kung ako yung nasa sitwasyon niya, pagsasabihan at pagagalitan mo rin ba si Icen tulad ng ginagawa mo sakin ngayon?" Seryoso niyang tanong.

Napaisip ako sa sinabi niya. Ano nga bang gagawin ko kung ginawa ni Icen ang ginawa sakanya ni Yowan? Pagsasabihan ko rin kaya si Icen? Siguro, hindi, siguro matutuwa pa ako.


"Kita mo na? Pinag iisipan mo pa ang isasagot mo. Yan na nga ang gusto kong sabihin. Kung ako naman ang nasa sitwasyon ni Icen, matutuwa ka pa. Sabi mo nasaktan siya kaya ganyan ka makapag react, paano naman kapag ako? Tatawanan mo ako hindi ba? Anong palagay mo saakin? Manhid? Hindi nakakaramdam kaya kahit na masaktan tatawanan na lang?" Tumayo siya tsaka huminga ng malalim. "H'wag mo na kasi akong pakialaman sa gusto ko Hershey. Ang unfair mo e." Sambit niya tsaka ako iniwan.



Pinagmasdan ko ang likuran niya habang papalayo siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napahilamos ako sa mukha ko.


"Tama siya, ang unfair ko nga." Bulong ko sa sarili ko.

Nakaka konsensya ang mga sinabi niya. Basta ang alam ko, kapag may nasasaktan, ipagtatanggol ko, pero bakit kapag kay Yowan na nangyari sobrang hirap maging concern? Bakit ko pa kasi sinabi 'yon? Ginugulo tuloy ako ng konsensiya ko.


"Magpapa-sorry kaya ako sakanya?" Bulong ko sa sarili ng maramdaman kong may tumabi saakin.


"H'wag. Kung meron kamang bagay na dapat hindi gawin, yun ay ang mag pa-sorry kay Yohan. Kasalanan niya naman kung bakit ganon ka sakanya, hindi ba mag kaaway kayo? So bakit siya mag e-expect na pagalitan mo ako kapag sinaktan ko rin siya?" Sambit ni Icen.


Napatingin ako sakanya tsaka siya pinanliitan ng mata. "Bakit alam mo ang pinag usapan namin ni Yowan? Kanina ka pa ba jan?" I asked.

Tumango siya tsaka umupo sa bench sa tapat ng clinic. "Kanina pa. Mag simula ng pagalitan mo siya." Sabay ngiti niya.


Sinimangutan ko siya. "Hala. Bakit hindi ka nag sasalita? Kanina pa kita hinihintay e. Ibig sabihin narinig mo lahat ng sinabi ko at sinabi ni Yowan?" Tumango naman siya ng mabilis. "So, okay ka na ba? Masakit pa ba yang nasuntok mo?" Tanong ko pa.


Nag okay sign siya tsaka tumango. Kahit hindi niya sabihin alam ko na masakit pa rin ang sugat niya dahil namamaga pa din ang right side ng mukha niya. Pero, hindi ba sabi niya narinig niya ang lahat? Lalo tuloy akong nahihiya.


"Okay ka lang ba talaga Icen?" Tanong ko na lang para kahit papaano maalis sa isip ko ang nangyari kanina.


Imbis na sagutin niya ang tanong ko, tinignan niya lang ako tsaka pinaupo sa tabi niya na ginawa ko naman. "Ikaw, hindi ka okay diba? Iniisip mo ang pinag usapan niyo kanina ng hudas na si Yohan?"


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon