"Waaaahhh!! Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko kay Yowan.
Naalimpungatan naman siya at bumangon. Nag unat unat pa siya at bigla na lang siyang napahinto ng makita niya ako na nakatingin ng masama sakanya.
"Waaah! Waah!" Sigaw niya rin habang binabato ako ng unan.
"Aray! Ang kapal ng mukha mong batuhin ako! Bakit ka nandito?!" Sigaw ko sakanya.
Bigla siyang natigilan at mukhang may inaalala. Bigla naman siyang napayuko. "Hindi ko rin alam." Wala sa sarili niyang sagot.
"Ikaw ha?! Mag ingat ka sa mga galaw mo." Banta ko sakanya. Papalampasin ko siya ngayon dahil kahit papaano tinulungan niya ako kagabi kahit na iniinsulto niya pa ako. "Anong oras na ba?! May pasok pa, baka ma-late ako." Tanong ko sakanya.
Imbis na sagutin niya ako, lumabas lang siya ng guest room kaya napakunot ang noo ko. May nakita akong wall clock sa ding ding at nagulat ako ng makita ko ang oras.
"9:30 na?! B-bakit ang tagal kong natutulog?!" Gulat kong tanong.
Hala. Hindi pwede to, late na ako sa school. Kailangan kong pumasok ngayon. Paano na? Super late na ako?! Bakit ba walang gumising saakin?!
Lalabas na sana akong kwarto ng bigla namang pumasok si Yowan. "Lalaki ka! Ang kapal ng mukha mo talagang tumabi saakin! Tapos hindi ko man lang ako ginising?!" Sigaw ko sakanya.
"Chill. May lagnat ka pa, don't you worry, na excuse na kita sa school, ang sabi ko you have a fever at hindi ka makakapasok. Okay na ba?" Sabi niya pa.
"E bakit ka pa nandito? Diba dapat nasa school ka?" Tinignan ko pa siya ng seryoso. "Wala ka namang lagnat."
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang batok niya. "Sino na lang magbabantay sayo? Kapag.. kapag may nangyaring masama sayo konsensiya ko pa." Sabi niya habang nakayuko.
"May konsensiya ka ba? Wala naman. Tsaka, hindi mo na kailngang bantayan ako! Uuwi na ako." Sabi ko sabay tayo pero pinigilan niya ako.
"You can't! May lagnat ka pa nga diba? Ang tigas din niyang ulo mo!" Sabi niya habang tinutulak ako pabalik sa kama.
Ayaw ko ng mag stay dito! Iniisip ko pa lang na magkatabi kaming natulog ni Yowan nahihiya na ako. Bakit ba kasi siya sa tabi ko natulog? Gusto ko ng umuwi at ipukpok ang ulo ko sa pader para magka amnesia ako. Sobrang hirap.. kaaway ko siya e.
"Diyan ka lang, ipahahanda lang kita ng food." Sabi niya at aalis na sana pero nagsalita ako.
"Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to.. pero isa lang ang sigurado ako, may kapalit lahat ng to hindi ba? So, aalis na ako. Hindi ako tatanggap ng tulong mula sayo kahit ka-"
"Talaga? Oh sige, hindi na ako sasali ng music show, hindi mo naman pala kailangan ng tulong ko."
Bigla akong napatingin sakanya. Anak ng.. oo nga pala, may kailangan ako sakanya. Ang lakas naman loob kong sabihin sakanya yun. Bakit ba nagiging makakalimutin ako?
"Tsk. Sige na." Sabi ko na lang kaya ngumisi siya. Nakakainis naman ang ngising yun. Halatang nang aasar.
Lumabas siya ng guest room. Nag isip naman ako kung papaano makakatakas sa lugar na to. Dahan dahan akong lumabas ng guestroom at bumaba ng bahay. Mabuti at walang tao dahil busy lahat sa paglilinis. Ng makarating ako ng gate, nakahinga na ako ng maluwag.
"Sa wakas.." sabi ko at lumabas ng bahay.
Tumakbo ako ng tumakbo ng bigla na lang..
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Novela JuvenilSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...