Chapter 2

954 36 2
                                    

"Stop yawning Ms. Casple. If you want to sleep, the door is widely open. Go home."

Napayuko na lang ako sa sinabi ng teacher ko. First period pa lang pero antok na antok na ako. Sobrang boring naman kasi ng klase niya. At isa pa hindi kasi ako agad nakatulog kagabi dahil sa ginawa kong homeworks and projects. At naalala ko ang 350 na bigla na lang nawala. Naiinis talaga ako sa lalaking 'yon!

"Sorry po Teacher."

Magsasalita na sana ulit siya ng bigla namang bumukas ang pintuan ng classroom. Siyempre lahat ng atensiyon ng classmates ko napunta doon. Pati na rin si Irene na kanina pa ako nginingisian.

Si Irene Bernal na laging mainit ang ulo saakin. Hindi ko naman siya pinapatulan dahil wala naman akong laban. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo niya saakin. Wala na naman akong pakialam sakanya.

"Gosh!"

"Oh-so-guwapo!"

"Stop making pantasya nga to my boyfies! I will make kick your mukha one by one e! You're all desperate! You're making agaw my boyfies!"

Napalingon ako kay Irene na ang OA kung makasigaw pati na rin sa bagong dating na pinag aawayan nila. Anong meron sa mga lalaking bigla na lang pumasok sa classroom namin at ganito na lang sila maka sigaw? Kung sabagay, mga guwapo.

"Yes? Oh, I know the two of you." Sabi ni Teacher at nilapitan ang dalawang lalaking nakatayo sa harapan. "You're Yohan, and You're Icen. Right?" Taas kilay na tanong ni Teacher Park.

"Yes po Teacher." Magalang na sagot nong isa na Icen yata ang pangalan.

"Isn't it obvious?!" Iritang tanong naman nung Yowan yata ang pangalan.

Teka. Parang familiar ang mukha ng dalawang lalaking 'to ah. Ay, kahit na pamilyar pa 'yong mga itsura nila, wala na akong pakialam. Inaantok ako, at 'yon ang mahalaga.

"You're the transferees. Ikaw kung makaasta ka parang ang tagal mo na dito. Late ka na, ganyan ka pa makasagot." Sabi niya habang turo-turo 'yong Yowan. Matanong ko nga, bakit kayo late?"

"Dahil nagpunta pa kami sa office para kunin po ang ID namin. And we also find our section, that's why we're late." Sagot nung Icen.

"Don't make that as an excuse. Unang una, dapat kahapon pa lang, kinuha niyo na ang ID niyo, dahil 'yon ang tamang araw ng pagkuha, hindi ngayon. Pangalawa, alam niyo ba na may walong guard dito sa school na 'to? May janitors din. Uso magtanong kung nasaan ang 4-A. Don't fool me, walang exemption yan na porket transferee kayo hindi na kayo mapaparusahan dahil hindi niyo pa alam ang rules. Kahit na sa ibang planeta pa kayo mag transfer, hindi mawawala ang rules na bawal ang late at mas lalong bawal ang sumagot ng pabalang sa Teacher." Humarap saamin si Teacher. "Bago ko sila parusahan, total naman na classmate niyo sila, okay naman siguro na mag pakilala sila sainyo. So, you two. Introduce yourselves."

Dahil sa sinabi ni Teacher, nag umpisa na namang magbulungan ang mga classmates ko.

"Kahit paano pala may matinong nagagawa ang Teacher na gurang na 'to."

"That's exciting. Malalaman ko na ang pangalan nila."

"Kahit hindi ko alam ang names nila, I already know at my self that they are my boyfies. Kyaaah!"

"We look good with each other. Right?!"

Napairap na lang ako at tumingin sa dalawa na mukhang frustrated dahil yata alam nila na may parusa sila.

"I'm Yohan Grey." Sabi nung isa at nag pamulsa tsaka ngumuya ng chewing gum.

"Hello everyone! Icen Aguilar nga pala classmates. Sana mag kasundo tayo!" Sabi ng isa at ngumiti na parang mawawalan na ng mata. Waah! Ang cute! Parang nakita ko na talaga siya.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon