Matamlay akong pumasok ng school ngayon. Apektado ako sa mga nangyari kagabi, sa mga sinabi at ginawa ni Yowan na nagpasakit ng feelings ko. Hindi ako dapat na nasasaktan pero ang sasakit kasi ng mga sinabi niya sa'kin.
Naiinis din ako dahil umalis na nga siya ng bahay namin. Dapat nga hindi ako naiinis dahil inutos ko naman sakanya 'yon e, sinabi ko sakanya na tapos na ang deal namin ni tita Sasha so dapat wala akong ikagalit. Ang tanga ko rin.
Natigilan ako sa paglalakad sa academy ng mahagip ng mata ko sina Irene at Yowan na magkasama. Masaya sila na naka-upo sa isang bench malapit sa garden. Kinakalikot ni Yowan ang phone niya at magka-share sila ng earphone na mukhang nakikinig sila ng music.
Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko habang tinitignan sila. Kita ko sa mata ni Yowan ang saya habang kasama si Irene at mukhang nakalimutan niya ang nasabi at nagawa niya kagabi saakin. Kung sabagay, ako lang naman ang apektado sa nangyari kagabi. Wala lang naman ako para kay Yowan e.
Nagulat ako ng bigla akong kawayan ni Irene, "Hershey!! Dito!" Tawag niya sakin pero agad akong umiwas ng tingin.
Kunyari hindi ko sila nakita, naglakad ako palayo sa pwesto nila at nagpunta ng library pero biglang nagring ang bell. Kainis naman, wrong timing. Ayaw ko pa silang makita.
I have no choice, pumasok na ako ng room at sinalubong naman ako kaagad ni Icen, "Saan ka galing Hershey? Nakita mo ba si Irene?" Tanong sakin ni Icen.
Napaiwas ako ng tingin tsaka tumango, "O-oo, k-kasama niya si Yowan sa garden e. B-bakit?" Nauutal kong tanong.
"Kasama niya na naman?!! Kailan ba maghihiwalay ang dalawang 'yan?!" Nagulat ako sa pagsigaw niya maging ang iba pa naming classmates. "S-sorry." Mahina niyang sambit at hinila niya ako para ma-upo.
Natahimik kami ni Icen ng pumasok na ng classroom sila Yowan at Irene na nagtatawanan pa. Umupo sila sa harapan namin at sobrang nakakarindi ang mga tawanan nila.
"Ang ingay." Sabay na sambit namin ni Icen.
Napalingon naman saamin si Irene, "Oh. Goodmorning! Hershey, tinatawag kita kanina sa tapat ng garden pero mukhang hindi mo naman ako narinig. Hello Icen!" Masiglang sabi ni Irene.
"T-tinawag mo ba ako? Pasensya na, hindi ko narinig e-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil tinawag ni Yowan si Irene, "Irene, eto pa, tignan mo pa ito." At nagtawanan na naman sila.
Buong klase akong hindi makapag focus, paano ba naman kasi madalas na magbulungan sila Irene at Yowan na nakakaagaw ng atensiyon ko kaya hindi na ako nakinig sa teacher. Bakit ba kasi sa harapan pa namin sila umupo?
Lumabas ng classroom sina Irene at naiwan naman kami ni Icen na hindi gumagalaw sa kinauupuan namin. Lunch break na pero nandito pa kami ni Icen.
"Naiirita ako sa dalawang 'yon." Bulong ni Icen kaya napatingin ako sakanya.
"Akala ko ako lang ang nakakaramdam ng inis, ikaw rin pala." Sagot ko.
Tumayo siya ng padabog tsaka niya na naman ako hinila, seriously, ang hilig niyang manghila. "Kain na nga muna tayo."
Hindi ako nagsalita, sumama na lang ako sakanya dahil gutom na rin ako. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, nagsalita si Icen.
"Totoo kaya ang balitang hihinto na raw sa pag-aaral si Danica?"
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya,"Ano? Pero.. pero bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Maliban daw kasi na nasira ang pangalan niya sa school, wala na rin siyang pang school. Actually kapag umuuwi ako galing school nakikita ko si Danica sa daan kasama ang mga magulang niya, doon yata sila nag-si-stay sa daan."
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
JugendliteraturSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...