Uwian na. Pero sa halip na umuwii ako, dumeretso na ako ng coffee shop para mag trabaho. Nakakainis ang nangyari ngayong araw. Parang guguho na ang mundo ko ng magpunta ako ng Dean's office kanina.
Akala ko pa naman may good news kaya nila ako pinpunta doon, ngayon pala ibibigay lang nila ang parusa ko sa pag ditched ng class kahapon. Oo, yes, tama, you're right, fact na fact, nalaman nila na nag ditched ako ng class at dahil lahat ng yan kay Irene. Nagsumbong pala ag loka!
Simple lang naman ang parusa, mag co-community service ako sa pool area ng school. Pero hindi lang talaga ako makapaniwala na muntik na akong magka bad record. Tsk. Kailangan ko pa naman din magka good record para sa college ko. Ang masaklap pa doon sa pinapagawa nila, kailangang matapos ang paglilinis sa loob ng tatlong araw lang. Anak ng sinigang! Ang dami ko na namang problema, ang laki kaya ng pool area para linisin kong mag isa, nakakasakit ng puso. Dumagdag pa ang pesteng Yowan na akala mo hindi mabubuhay kung hindi ako aasarin.
Paano ba naman kasi, kanina walang oras na hindi niya ako inisin. Lalo na nung nalaman niya na mag co-communiry service ako. Buti pa si Icen, ang bait saakin.
At dahil si Icen ang unang tao na kumausap ng matino saakin sa school. Naging crush ko siya, oo crush ko siya. Super duper!
"Darating yung anak ng may ari ng café world. Kailangan maayos ang lahat. Kate, ikaw ang mag manage ng kusina. Ngayon na ngayon na siya darating dahil kailangan niyang i-check lahat ng pamamahalaan niya kapag naka graduate na siya ng high school at siyempre ng college. Umayos kayo. On the way na daw siya." Nag mamadaling sabi ni Manager habang pinag aayos kami.
Sa tinagal tagal ko ng nag ta-trabaho dito, si Manager lang ang lagi kong nakikita. Hindi ko pa nakita ang may ari ng coffee shop na 'to na sina Mrs. Dayane and Mr. Daniel Young. Nasa ibang bansa daw kasi lahat sila kaya ayan tuloy, bigla akong na excite, maganda daw kasi ang anak ng may ari ng coffe shop na 'to, lalo na daw ang mama niya.
Ilang minuto na kaming naghihintay, sa wakas, dumating na rin ang hinihintay namin. Sinalubong ni Manager ang bagong dating na si Ms. Danica, ang anak ng may ari ng coffee shop.
Literal akong napanganga. Gorgeous! Ang ganda pala talaga niya. Ang pula ng mga pisngi, parang macopa! Lengye. Nakakahiyang dumikit sakanya. Baka pag dumikit ako sakanya akalain pa nila na anino niya ako. Pangit na anino.
"Good evening." Mahinhin niyang bati saamin.
"Good evening po."
Mukhang ka age ko lang siya. Shocks. Ang swerteng babae niya naman pala, high school pa lang pero nag ma-manage na ng pamana niya. Pangarap ko yan, kaso nga lang, ang pamana sakin nila Tatay at Nanay ay sakit ng ulo. Nakakainggit siya! Grabe!
Nawala naman ang ngiti sa mukha ko ng tumingin siya sakin. "Waitress ka?" Nakangiti niyang sabi.
Ang galing!! Kinakausap niya ako! "O-opo."
"H'wag ka ng mag pa-po. But, you're already working, you're just a minor." Nagtataka niyang tanong.
Oo mahirap ako pero kaya kong magsalita at makaintindi ng english kaya h'wag kayo. "Yes. I need to work for my school and my family."
"Really? That's unbelievable. What's your name by the way?"
"Hershey, Hershey Casple."
Bigla siyang natahimik at nag iwas ng tingin saakin. Anong nangyari? Bakit parang nag iba siya ng marinig niya ang pangalan ko?
"O-okay lang po ba kayo?" Tanong ko dahil napahawak siya sa dibdib niya.
"Yah. Yah." Tumango siya. "Of course. By the way, I need to go home, sa Sunday na lang alo babalik ulit dito." Nagmamadali niyang sabi at hindi na hinintay ang sagot namin dahil umalis na nga siya.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...