"Okay na ba siya?"
"Hindi pa okay si Hershey, Yohan. So please, h'wag mo siyang kukulitin."
"Anong tingin mo sakin Icen? Hindi marunong umintindi?"
"Ganon ka naman kasi, kahit na may sakit ang tao pinapahirapan mo. Aalis na ako, gabi na rin. Ikaw na bahala kay Hershey, h'wag mo siyang pababayaan, bantayan mo siya."
"Teka lang.. tama ba ang sinabi mo kanina? Na baka hindi na makasali si Hershey sa music show dahil sa nangyari sa paa niya?"
Kung kanina nakikinig lang ako sa usapan nila Yowan at Icen, ngayon hindi ko na mapigilan na makisawsaw. Anong sinasabi nito ni Yowan? Nagpapatawa ba siya?
"Hoy. Hindi konektado ang paa ko sa boses ko kaya bakit naman ako hindi sasali sa music show? Pwede namang umupo na lang habang nag pe-perform ako. Atsaka, maliit na bagay lang ang nangyari sa paa ko, bukas lang okay na to. Kailangan lang ng pahinga." Sab ko sa dalawa.
"Pero Hershey, hindi maganda ang lagay ng paa mo. Maraming tao sa music show kaya pwede ka pang madisgrasya." Sabi ni Icen.
"Icen naman. Kailangan ko ang music show e. Alam niyo naman 'yan. Bakit niyo ba ako pinipigilan?" Iritado kong sabi.
Napakamot si Icen sa batok niya. "Ano pa bang magagawa ko? Hay." Sabi niya, "Basta, magpahinga ka. Tsaka sa susunod mag iingat ka. Paano? Aalis na ako, maaga pa ang pasok bukas. H'wag ka na munang pumasok bukas, dito ka na lang muna sa bahay, ipapa-excuse na lang kita, para maging okay ka na sa music show." Nilapitan niya ako tsaka niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko. "Good night."
Hindi ko na napansin ang pag alis ni Icen dahil gulat ako sa ginawa niya, bumalik lang ako sa wisyo ko ng magsalita si Yowan na kanina pa pala nakatingin saakin.
"Hindi rin ako papasok bukas. Sasamahan na lang kita dito." Sabi ni Yowan at umupo sa tabi ko.
"H-huh?"
"Samahan na kita kako dito para walang masabi saakin ang manliligaw mo."
"Huh?"
"Huh? Huh? Diba manliligaw mo si Icen? Ayun, para wala siyang masabi saakin."
"Hindi nanliligaw saakin si Icen. Ka-"
"Ahh. Kayo na ba?"
"Huh?"
"Tss. Kayo na nga?"
"Sira ka ba?! Hindi nanliligaw saakin si Icen at hindi kami!" Sigaw ko sakanya.
"Oh? Pero bakit ganon na lang siya mag aalala sayo?"
Napairap ako. "Dahil kaibigan niya ako? Natural lang na mag alala yun saakin kasi kaibigan ko siya at kaibigan niya ako. Ang mamalisyoso niyo talaga. Kayong dalawa ni Danica." Paliwanag ko.
Magsasalita na sana siya ng mag ring ang phone niya. Sinenyasan niya ako na lalabas muna siya kaya tinanguan ko.
Hinawakan ko ang paa kong may benda tsaka huminga ng malalim. Hay. Naalala ko na naman ang ginawa ni Danica at sinabi niya kanina saakin. Tagod hanggang buto. Grabe. Hanggang ngayon naiiyak pa rin ako.
Sinubukan kong tumayo para pumasok na ng kwarto at matulog pero ang hirap pala talaga. Ganon na ba kasama ang pagkakatama ng malaking bato na 'yon sa paa ko? Nakakainis naman kasi at nakaharang pa 'yon.
Inalalayan ko ng mabuti ang sarili ko para makapasok na ng kwarto at hindi naman sinasadyang ma-out of balance ako. Akala ko babagsak na ako sa sahig pero may humawak sa braso ko para hindi ako tuluyang matumba. At sino pa nga ba? Si Yowan. Kami lang namang dalawa dito e.
![](https://img.wattpad.com/cover/55518588-288-k240299.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...