Chapter 17

503 24 4
                                    

"Hahahaha!! You to me are everything!"

"Shut up! Will you?!"

"No. You to me are everything e."

Naiinis na ako kay Yowan. Kanina pa ako nagtitimpi sakanya. Gusto ko na siyang sapakin at suntukin. Kung hindi lang ako mapagtimpi baka tumilapon na to sa gitna ng daan.


Naglalakad kami pauwi. And first time niyang sumabay saakin pauwi at mukhang sinadya niya talaga na sumabay saakin para maasar ako.


"Isa pa. Kapag hindi ka tumigil masasapak talaga kita!" Inis kong sagot.


"Hahahaha! Talaga?! E diba, me to you are everything too? Kaya mo ba akong saktan?!" Natatawa niyang sagot.


Huminto ako sa paglakad tsaka siya hinarap. Kanina pa ako napipikon sakanya. Wala akong pakialam kung nasa daan kami, nilapitan ko siya. Hindi lang basta malapit, sobrang lapit. Natahimik siya at mukhang nararamdaman niya na ang hininga ko. Dumikit na ng konti ang labi ko sa tenga niya.



"This is for you and everything." Bulong ko at naramdaman ko ang paglunok niya and after that..



Sinapak ko siya ng solid. "Ayan! Bagay sayo! Mahangin kang lalaki ka!" I said at iniwan siya sa daan na nakatanga.



Peste siya. Kulang pa yun e. For sure mai-issue na naman ako nito bukas. Sobrang sikat ko na yata? Pang hollywood na ako. Tama na ang kasikatan. Mababaliw ako.


Gusto ko ng forever na pahinga. Pero joke lang! Maghihiganti pa ako kay Yowan ano! Sana lang walang nakakita sa ginawa ko kanina kay Yowan kung hindi, ang laking problema nun.


Pagdating ko sa bahay, dumeretso ako sa kwarto. Naghilamos lang ako at nagbihis tsaka na humiga. Hindi ako lalabas ng kwarto hanggat hindi pa nag uumaga. Ayaw kong makita ang hinayupak na si Yowan! Baka mapatay ko siya.



Pero, nakakahiya sa guwapong Icen ko, bwisit kasi si Yowan-

"Hoy Hershey!"

"Ay guwapong Yowan!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.


"Aha! You're thinking of me and you just say guwapo ako." Sabi ni Yowan.


"Hoy! Si Icen ang sinasabi kong guwapo, at ikaw bwisit ka! Nasabi ko lang yun dahil iniisip ko ang guwapo, Icen at Yowan. Kaya ayan ang lumabas sa bibig ko!" Paliwanag ko dahil totoo naman. Hindi naman yung ang iniisip ko e. Nasabi ko lang dahil sa gulat. Baka mag assume na naman siya. Assuming pa naman ang lalaking to.



Umiling siya. "Ah. Ah. Ah!! I don't believe you! Sabihin mo na kasi ang totoo na pinagpapantasyahan mo ang kaguwapuhan ko." Kita niyo na! Assuming talaga e.


"Ano na naman bang ginagawa mo sa kwarto ko?!" Sigaw ko at nagpameywang. At doon ko lang napansin na nagka black eye pala siya kaya natawa ako bigla. "Hahahaha!! Ganon na pala ako kalakas. Kita mo! Nagka black eye ka." Sinuntok suntok ko pa ang dibdib ko.



Napahawak siya sa right eye niya. "Ouch." Daing niya kaya mas lalo akong natawa. "Hershey! Pagbabayaran mo tong babae ka!" He said seriously at nag walk out.


Woooh. Natatakot yata ako?! Hahaha. Mabuti na nag walk out siya. At least hindi na niya ako guguluhin at hindi niya na rin aagawin ang kwarto namin dahil remember? May utang DAW ako sakanya dahil pinagtanggol niya ako sa mga nambabato ng itlog dati saakin. Pero bagay lang sakanya yun dahil tinapakan niya ang sintas ng sapatos ko kanina kaya ako nadapa sa harap ng maraming tao.


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon