"O ano? Mauna na ako Hershey ha? Para na rin makapag-ayos ka, magpa-practice ka pa."
"Hindi nag-aayos yan. Ni hindi nga naliligo. Minsan nga diretso bangon lang siya tapos lalayas na, minsan nga mabili ko siya ng toothbrush."
"Hindi namin hinihingi ang opinyon mo Yowan!"
Ang kapal naman pala ng mukha nito! Ang galing niyang magsinungaling! At sa harapan ko pa mismo ha? Napipikon na talaga ako kay Yowan. Ipahiya ba naman ako sa harapan ni Icen? Tsaka ano bang pakialam ni Icen sakanya? Diba magkagalit sila? Mukha ngang meron silang hindi pagkakaintindihan na dalawa.
"Hayaan mo na siya." Sabi ni Icen habang tinatapik ang balikat ko. "Mauna na ako ha?" Tumango ako bilang sagot. "Good bye."
After niyang sabihin yan, hindi ko inexpect ang susunod niyang ginawa. He..
He kissed me on my cheeks..
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naninigas ang mga paa ko habang nakatingin lang sa mga labi niyang nakangiti. Shutang naman! Timaan na yata talaga ako kay Icen. Ang guwapo niya. Tsaka, hinalikan niya ako. Kahit sa cheeks lang yun nakakatulala pa rin hindi katulad ng halik ni Yo- tss, bakit ko ba kinukumpara?
"Hoy! Para saan yun?!" Nanlalaking mata na tanong ni Yowan. Bakit ganyan ang reaksiyon niya? Siya ba ang nahalikan? Pambihira din to.
"Oh? Bakit gulat na gulat ka diyan at dinaig mo pa si Hershey?" Mapang inis naman na sagot ni Icen. Tama yan, sagutin mo nga siya.
"E kasi.. kasi.. basta! Nakakadiri! Ayun nga, nakakadiri kayo!" Natatarantang sagot ni Yowan.
Shete, hindi pa rin ako makapagsalita. Take note, cheeks pa lang 'yon. Paano pa kaya kung sa lips? Oh my gosh. Ang over ko naman mag-assume, baka masaktan lang ako. Ano bang pinagsasabi ko?
"Talaga? Baka naman- nagseselos ka?" Sagot ulit ni Icen kaya nakapagsalita na ako.
"Hahahaha!!" Pareho silang napatingin saakin. "Oo! Tama ka Icen! Nagseselos nga siya! Diba bakla si Yowan? Hahahaha! You got it!" Sabay palakpak ko ng malakas kaya halos umusok na ang ilong ni Yowan sa galit.
"Tama ka Hershey. So, Yohan, sinong mas nakakadiri saatin ngayon? Kami o ikaw?" Sabay pa naming pinagtawanan si Yowan. Kitang kita ko na napipikon na siya at anytime pwede na siyang magwala.
"How dare you to laugh at me?!" Sigaw niya at tinignan kami ng nakakamatay na tingin.
"We dare." Pagtataray ko.
"Tama na nga yan. Sige na Hershey. Totoo na to, aalis na ako. Good bye at thank you sa time mo. Nag enjoy talaga ako ngayong araw. Sana maulit pa la-"
Hindi na natuloy ni Icen ang sasabihin niya dahil tinulak na siya ni Yowan palabas ng bahay. "Hindi na mauulit to! Wala ng mauulit!" Sigaw niya tsaka pabagsak na sinara ang pintuan.
"Walang hiya ka Yowan! Nakakabanas ka. Bakit mo ginawa yun?! Nakakahiya kay Icen!" Sigaw ko habang pinapalo siya.
"Pwede ba? H'wag mo akong hawakan. Nagpapaka-childish ka diyan e ang tanda mo na." Sabi niya tsaka siya pumasok ng kwarto.
Sinipa ko naman ang sahig. "Hindi kita kuya para gawin mo sakin to!!" Sigaw ko.
"Kuya?! Hahahaha. Bakit kuya? Hindi mo nga ako kuya?! M-mas matanda k-ka pa nga saakin!!" Sigaw niya pa mula sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Fiksi RemajaSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...