Chapter 33

526 18 6
                                        

"Magsimula ngayon, masanay ka na na maraming pumupuri sayo, siguradong maraming magkakagusto sayo. Hihihi, o paano? Maiwan ko na kayo ni Yohan ha? Galingan niyo ang pagpa-practice!"


Luamabas na si tita Sasha ng kwarto na masayang masaya. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa ginagawa ni tita Sasha. Ang cute cute niya at ang hyper hyper pa.


"H'wag mong paniwalaan si mommy. Walang magkakagusto sayo. Pangit ka pa rin." Pag papa-alala saakin ni Yowan at ginulo ang buhok ko. "Dapat diyan sa buhok mo magulo ng sobra katulad ng dati para walang makapansin sayo!" Sigaw niya pa.



Iniiwas ko ang ulo ko sakanya. "Ano ka ba Yowan?! Tumigil ka nga! Ano bang problema mo?!" Pag aawat ko sakanya. Grabe, malapit na akong maniwala na insecure talaga siya saakin kaya niya ginagawa 'to.



"Ibalik mo nga yung dating Hershey. Yung mukhang alambre ang buhok, yung mukhang gorilla, yung sabog ang kilay at maitim ang labi!" Sabi niya tsaka pabagsak na umupo sa kama. "Nakakainis!" Napasabunot pa siya sa buhok niya.


Nababaliw na siya. Nakakatakot siya, parang anytime magwawala siya. Ano kayang problema niya at ganyan na lang siya makaasta?


"Ano bang problema mo?" Naiinis kong tanong.


Umiling siya at kinuha ang gitara na nakasandal sa kama. "Wala. Dalian mo, last practice na talaga natin 'to. Bukas na ang music show." Sabi niya at nag-umpisa na siyang tumugtog.


Hindi na lang ako kumibo tsaka nag practice na nga. Medyo nakakatakot na kasi siya.


***


"Ang ganda mo Hershey!! Tatawagin ko na si Yohan. Siguradong ready na 'yon." Masiglang sabi ni tita Sasha.


Tumango ako tsaka huminga ng malalim. Humarap ako sa salamin tsaka ngumiti. Hindi ko akalain na ganito na ang itsura ko. Sobrang layo ng itsura ko dati sa itsura ko ngayon. Pero kung ako ang papipiliin, mas gusto ko yung dati kong itsura. Walang nakakapansin saakin at walang nagbibigay ng nakakapanlambot na compliment.


"Eto na Hersh. Music show na ngayon. Galingan mo lang at mananalo ka sigurado." Nginitian ko ang sarili ko. "Fighting!"


Natatawa ako kapag naalala ko ang ginawa namin kanina ni tita Sasha. Enjoy na enjoy siya na ayusan ako at feel na feel niya talaga. Gustong gusto niya pala talaga na magka-anak ng babae kaya ganto na lang siya kasabik saakin. Nakakatuwa nga.


Biruin mo, pinasuot ako ng maikling dress at sleeveless pa? Hahahaha, buti na lang at napilit ko siya na h'wag 'yon ang ipasuot niya sakin kaya ang suot ko ngayon ay above the knee na dress pero longsleeve. Mas okay na to kasa doon sa kaninang pinasuot niya. Naka heels din ako pero hindi ako naglalakad dahil nga may problema ang paa ko at masakit pa rin.


Mamayang magpe-perform ay pauupuin na lang daw kami ni Yowan dahil nga hindi ako makatayo. Okay na 'yon. Planado na ang lahat. Naiilang pa rin ako sa suot ko pero habang tumatagal nagiging kumportable na.


May kumatok sa pintuan ng kwarto at iniluwa naman nito si tita Sasha na hindi naalis ang ngiti sa mga labi.


"Halika na Hershey, nasa baba na si Yohan." Sabi niya tsaka ako inalalayang makababa.


Hindi ako nahirapang maglakad ng naka heels dahil inaalalayan naman ako ni tita Sasha. Pagbaba namin, agad na bumungad saakin ang guwapong si Yowan na inaayos ang damit niya. Shocks. Ang guwapo niya pala talaga. Mature na mature na siya.


Ng makita niya naman ako ay napaatras siya ng kaunti. "Damn it. She's so..ugh!" Bulong niya pero dinig na dinig ko naman. Ano kayang problema niya?


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon