Chapter 39

442 23 7
                                    

Yohan's POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pangangawit sa pwesto ko. Hindi ko namalayan, naka-tulog na pala ako sa tabi ni Hershey habang binabantayan siya. Bakit ba hindi pa siya nagigising?

May kumatok naman at pinatuloy ko ang sinumang istorbo na 'to na kaagd ko namang pinagsisihan. Si Icen.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis kong tanong sakanya.

Napasimangot naman siya, "Dadalawin ko si Hershey, bakit? May problema ba?"

Siga 'tong mokong na 'to ha? Hindi namin siya kailangan dito. Wala naman siyang magagawa kung dadalaw siya, hindi naman gagaling si Hershey sa pag dalaw niya.

"Bakit ka pa dumalaw? Hindi ka namin kailangan di-" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko kaya nakaramdam ako ng inis. Bastos.

"Kaibigan ko si Hershey, may karapatan akong dalawin siya. Bakit ikaw? Ano ka ba ni Hershey? Bakit ka nandito?" Lalo akong nainis sa sinabi niya.

Kahit kailan talaga alam akong inisin ng lalaking 'to. Magsimula ng nagkagusto ako kay Hershey naging magka-kompitensiya na lahat kami sa lahat ng bagay. At nakikita ko na ayaw niyang magpatalo, hindi rin naman ako magpapatalo kagaya niya

"Kaibigan mo nga si Hershey, pero may nagawa ka ba sa mga oras na namo-mroblema siya? Nasaan ka ba nang itanggi siya ng magulang niya? Kaibigan niyo ang babaeng nanakit sakanya, sa tingin mo isa kang mabuting kaibigan?" Sambit ko sakanya.

Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa bag na dala niya. "Ipapaaalala ko lang sa'yo Yohan, mas marami akong nagawang mabuti para kay Hershey, naaalala mo ba yung music show? Pinaasa mo si Hershey, naging dahilan ka rin ng pag iyak niya. Ikaw, sabihin mo, kailan siya umiyak ng dahil saakin?" Depensa niya.


Kung hindi lang ako mapagtimpi naupakan at nasuntok ko na 'to. "Ipapaalala ko lang rin sa'yo, kung hindi dahil saakin, hindi malalaman ni Hershey ang katotohanan. Nung gabing umiiyak siya ng dahil saakin, doon siya nagising sa katotohanan, nakilala niya ang tunay na siya." Tama naman ako, kung dumalo ako sa music show dati baka nabubuhay pa rin sa kasinungalingan ngayon si Hershey.


"Ipinagmamalaki mo na 'yon? Alam mo ba kung gaano kasakit para kay Her-"

Natigilan siya sa pagsasalita ng may biglang pumasok sa loob ng room. Si Irene. May dala siyang mga prutas at bakas sa mukha niya ang kasiyahan dahil sa wakas, safe na siya kay Danica. Nalaman na nila na naniniwala na si tita Dayane kay Hershey kaya sila nandito ngayon.

"Hello Icen, Yohan. Okay lang ba kayo?" Tanong niya habang nilalapg ang mga dala niya sa mesa.

Walang sumagot saamin ni Icen, tinignan ko na lang ang natutulog na si Hershey. Kailan ka ba gigising? Pangako, paggising mo, aaminin ko na lahat ng nararamdaman ko sa'yo. Hindi pwedeng maagaw ka ni Icen no. Hindi ako papayag na mapunta ka sa taong kagaya niya.


"Irene, nabalitaan ko ang lahat. Ang tungkol kay Hershey pati na rin ang tunay na ikaw. Kalat na sa buong campus ang totoong ikaw. Sa tingin ko sinabi ni Danica ang lahat bago pa man malaman ni tita Dayane ang katotohanan." Sambit ni Icen kaya napatingin ako sakanila.

Hindi parin maalis sa mukha ni Irene ang saya kahit na nalaman niya na kumalat na pala ang balitang hindi talaga siya mayaman at nagpapanggap lang siya. "Okay lang. At least malaya na akong makakagalaw. Hindi ko na kailangang magpanggap. Hindi katulad dati na pati sarili ko naloloko ko na. Salamat kay Hershey, siya ang dahilan kung bakit lumakas ang loob ko na ipakita sa iba ang tunay na ako." Masigla niyang sabi. "Sana nga lang magising na siya para mapasalamatan ko siya."

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon