Chapter 21

482 23 2
                                    

"Saan ba talaga tayo pupunta Yowan? Kanina pa tayo paikot-ikot dito. Teka nga.. makikipagkita nga ba talaga si tita Sasha saatin?"

"Hindi."

"Anoo?! Pero- pero bakit sinabi mo na makikipagkita siya saatin?!"

Akala ba ng lalaking to nakikipagbiruan ako sakanya? Hell no! Masama pa ang pakiramdam ko at gusto kong magpahinga tapos paglalakarin niya ako ng malayo para sa wala? Ano yun? Joke?

"Dahilan ko lang yun. Iniinis ko kasi si Icen, masyado kasi siyang mayabang."

Seryoso siya?! "Hindi nakakatuwa Yowan. Bahala ka na nga jan!"

Iniwan ko siya tsaka ako umuwi saamin, pagdating ko, natulog na agad ako dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Minsan hindi ko maintindihan si Yowan, masyado siyang selfish, hindi niya man lang iniisip ang pakiramdam ko, nahihilo ako tapos papagurin niya ako? Gusto niya na talaga akong mamatay ha?

Kung sumama na lang ako kay Icen? For sure deretso bahay nun kami at hindi niya ako hahayaang mapagod, unlike sa ginawa ni Yowan.

Tinu-torture ko lang siya sa utak ko hanggang sa makatulog na ako..

Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan. Sino ba yan?! Ang aga aga istorbo! Gusto kong matulog ng matagal ngayon dahil saturday pero hindi pa talaga nila ako papatawarin eto na nga lang ang pahinga ko.

Lumabas ako para pagbuksan ang kumakatok. Bakit kasi ni-lock ang pinto nitong si Yowan? Sinabi ko na na h'wag niyang ila-lock kapag wala pa sina Nanay at Tatay. Parang mantika pa siya matulog, ang lakas na ng katok sa pintuan hindi niya pa marinig, partida pa na malapit lang siya sa pintuan dahil sa sala siya natutulog. Kapag may sunog hindi ko talaga siya gigisingin at hahayaan ko na lang siyang masunog dito.

"Ano ba naman yan?! Bakit naka-lock ang pintuang bata ka?!" Bungad saakin ni Nanay. "Siguro.." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang chine-check ang suot ko at tumingin naman siya kay Yowan na natutulog pa rin. "May gina-"

"Nay! Pwede po ba?" Nakakapikon si nanay. Kung anu-ano na naman niyan ang iniisip niya saamin ni Yowan. Kadiri lang.

"O, e bakit naka lock ang pintuan?!" Taas kilay niyang tanong.

Nakati ko na lang ang ulo ko. "Tsk. Tanga po kasi ang kasama ko."

"Oh? May mas lalala pa pala sayo?"

Napailing na lang ako tsaka pumasok sa kwarto namin. Ayaw ko ng makipag usap kay nanay, malamang lamang na mauuwi kami sa sagutan. Tsaka kung akala niyo nakikipag biro siya sakin, hindi, seryso siya sa mga sinasabi niya kanina. Hindi ko pa nga narinig mag joke yan e.

Anyways, bumalik rin ang antok ko kaya nakatulog na ulit ako.

***

"Hahahahaha!!"

"Opo! Ganon na nga po!"

"Hahahaha! Talaga binata? Hahahaha!"

Tsk! Ano ba yun?! Bakit ang ingay?! Sino ang kinakausap ni nanay at ganon na lang siya makatawa? Ang ingay ingay, kung may ligaw na kaluluwa man dito sa bahay baka naglayas na yun. Masyado siyang masigla ngayon. Nakakatakot.

Tumingin ako sa orasan at 8:00 pa lang. Gusto ko ulit matulog pero sobrang ingay ni nanay. Siya na ba talaga ang gigising saakin ngayon? Kaninang madaling araw niya pa ako ginigising sa mga ginagawa niyang ingay. Tsaka, usually nasa sugalan na si nanay sa mga ganitong oras pero bakit nandito pa siya?

Tatakpan ko na sana ang tenga ko gamit ang unan ng bigla akong tawagin ni nanay. "Hoy Hershey! Lumabas ka na jan! Tanghali na!" Sigaw niya mula sa labas.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon