Chapter 42

421 18 2
                                    

Hinihintay ko ang pagpasok ni Danica sa bahay para makausap siya. Nae-excite ako sa pwedeng mangyari at the same time kinakabahan. Handa na akong kausapin siya at ipamukha lahat ng maling ginawa niya sa'kin.

Ng makita ko na siya, napangisi ako. May dala siyang dalawang maleta, magulo ang buhok niya at mukhang pagod na pagod. I love what I'm seeing.

Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa direksiyon ko pero hindi siya nakatingin saakin, nakayuko lang siya. Natawa ako ng bigla niya akong lampasan and she go upstairs.

Hinabol ko siya, "Where are you going?!" I shouted kaya natigilan siya.

"To my room." Sabi niya habang nakatalikod parin saakin tsaka nagpatuloy na naglakad.

Ang kapal ng mukha ng isang 'to. Nababaliw na ba siya? Hinabol ko siya tsaka ko siya hinawakan sa braso niya, "Get out! You don't have the rights to go here!"

Nagulat ako ng bigla niya akong itulak kaya nalaglag ako sa stairs. Nagkaroon ng malakas na ingay at narinig ko na lang ang mga tao sa bahay na nagpapanic dahil sa pagkalaglag ko sa hagdan.

Nakaramdam ako ng hilo pero pilit ko parin na tinignan si Danica. Nakatakip ang mga kamay niya sa bibig niya at mukhang gulat na gulat sa nangyari saakin. Nakita ko nalang sa likuran niya si Yowan na mukhang galit na galit.

"What did you do to her Danica?!! WHY DID YOU DO THAT?!!" Malakas na sigaw ni Yowan na nage-eco sa buong bahay.

Hindi ako makatayo dahil sobrang lakas ng impact ng pagkakahulog ko na parang nabalian ako ng mga buto.

"PINAGBIGYAN NA NGA NAMIN SI HERSHEY NA MAKAUSAP KA TAPOS ITO PA ANG GAGAWIN MO SAKANYA?!! GANYAN KA NA BA KASAMA?!!" Sigaw parin ni Yowan.

"H-hindi k-ko sinasadya! Dumulas lang ang kamay k-"

"DUMULAS?! ARE YOU KIDDING ME?! SA TINGIN MO MAY MANINIWALA PA SA'YO PAGKATAPOS NG GINAWA MO?!"

Natigilan si Yowan sa pagsisisigaw ng biglang dumating si mama, "What's happening he-" Natigilan rin si mama ng makita niya si Danica sa loob ng bahay niya, "What are you doing here?!" Tinignan ako ni mama at ng makita niya ang posisiyon ko, napatakbo siya papalapit saakin, "W-what did you do to my daughter?!" Sigaw niya kay Danica.

"S-sorry mom. She started this maniwa-"

"Stop explaining Danica! What are you doing here?!!" Sigaw ni mama sakanya.

"Mom. I want to be with you, ayaw ko sa totoo kong magulang, gusto ko ikaw lang ang mommy ko." Umiiyak na sabi ni Danica.

Lumapit naman saakin si Yowan tsaka niya ako binuhat papunta sa kwarto ko dahilan para hindi ko na marinig ang usapan nila mama at Danica. Nakakailang ang ginagawa ni Yowan pero okay na rin 'to, masyadong masakit ang pagkakalaglag ko para mag-inarte pa.

"Masakit ba ang pagkakakalaglag mo? Okay ka lang ba?" Tanong ni Yowan habang binababa ako sa higaan ko. Napatingin ako sakanya ng may halong pagtataka.

Gusto ko siyang sapakin sa napaka-obvious niya na tanong. Hindi ba obvious na masakit ang katawan ko dahil sa pagkakalaglag ko sa hagdan?

"Okay lang ako. Ang sarap sa feeling ng malaglag sa hagdan. Gusto ko pa ngang ulitin e, kaso dinala mo ako dito. Try mo rin." Sabi ko sakanya.

Nanlaki naman ang mata niya, "Talaga? Nagustuhan mo yung feeling?" Hala. Tanga.

Binatukan ko siya, "Siraulo ka talaga. Nagbibiro kang ako. Oo masakit ang balakang ko sa pagkalaglag. Idiot."

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon