"Hmm. Hershey, pagpasensyahan mo na ang bahay namin kung masikip at magulo ha?"
Tumango ako bilang sagot kay Irene. Gosh. Ang awkward. Hindi ko ma-imagine na sinasabi ngayon sa'kin 'to ni Irene. Una, wala na yung kano langguage niya, pangalawa, sobrang simple ng suot niya at malapit na siyang magmukhang manang, pangatlo, ang ayos niyang makipag-usap saakin. Ang daming nagbago sa isang iglap lang.
Hindi ko maintindihan ang sitwasyon ni Irene. Diba mayaman siya? Bakit ganito? Nalilito na ako.
"Hmm.. Irene, h'wag ka sanang magagalit sa tanong ko okay?" Kalmado kong tanong kay Irene. Napatingin naman siya sa'kin tsaka ngumiti. Grabe. Nakakailang talaga.
"Okay lang. Ano ba 'yon?" Naka-ngiti niya pa ring sagot.
"Bakit-bakit.. ugh. Paano ba 'to? Tss. Okay, bakit ganito ang nakikita kong kalagayan mo Irene?" Nahihiya kong tanong. Sana naman h'wag siyang magalit.
Parang nabunutan naman ako ng tinik ng ngumiti lang siya tsaka umupo sa harapan ko. Nasa bahay niya kami ngayon. Magbibihis lang daw siya at after niyang magbihis, didiretso na kami ng coffee shop para mag-usap pero hindi ko na mapigulang magtanong dahil nalilito na talaga ako at naguguluhan sa nakikita ko.
Itinaas niya ang dress niya na suot niya yata kanina sa school. "Nakikita mo ba 'tong dress na 'to? Hiniram ko 'to doon sa kaibigan kong magaling pumili ng ukay ukay na damit. Actually, ibabalik ko na nga bukas dahil baka ihampas niya saakin kapag hindi ko kaagad nabalik." Itinaas niya rin ang bag niyang gucci, LV, channel at prada pati na rin ang iba pa niyang signatured na gamit. "Ito namang mukhang mamahalin na mga gamit na 'to, puro mumurahin lang lahat ng 'yan. Hindi totoo ang tatak, yung iba bigay saakin, yung iba hiniram ko, at ang iba naman binili ko." Ngumiti siya ng pilit at kitang kita ko na ang luha sa mata niya na halatang pinipigilan niya. Shemay naman. Si Irene ba talaga 'to? Hindi ako sanay.
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinasabi niya o hindi. Masyadong malabo ang sinasabi niya pero mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Nalilito na talaga ako. Sino ba talaga si Irene? Siya ba talaga yung fashionistang mataray na nakilala ko o hindi?
"I know, marami akong kasalanan sa'yo pero kakapalan ko na ang mukha ko, sasabihin ko na ang tunay na ako kahit na ang totoo magkaaway tayo. Pero yung nakilala mong Irene na maarte, palaban, classy, sosyal, lahat ng 'yan fake lang." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "ito talaga ako, manang, mahirap, loner, mahina, at higit sa lahat walang kwenta. Oo alam ko, nahihirapan kang paniwalaan lahat ng sinasabi ko, pero nagagawa ko lang namang magbalat kayo dahil may pangarap ako, sa kagustuhan kong matupad ang pangarap ko, hindi ko na napapansin nanloloko na pala ako ng tao, hindi ko na rin napapansin na niloloko ko na ang sarili ko. Diba sabi nila gawin mo ang lahat para sa pangarap mo? So ito, ginagawa ko ang lahat matupad lang kahit na isa sa mga pangarap ko. Ang totoo niyan, hanga ako sa'yo, may lakas na loob kang abutin ang pangarap mo na totoo ka sa sarili mo, di tulad ko, kailangan pang mag balat kayo para sa pangarap ko. Natatakot lang kasi ako na baka hindi ako tanggapin ng mga tao sa school natin kung magpapakilala ako bilang real Irene." Tumingala siya para pigilan ang pagtulo ng luha niya.
"Nagtatrabaho nga pala ako at suma-side line minsan para matustusan ang pag aaral ko, may sumusuporta saakin pero tuition lang ang kaya niyang bayaran, hindi naman pwedeng umasa na lang ako sakanya. Paano na lang ang mga daily needs ko? Pagkain, projects, at baon, wala namang ibang tutustos niyan kundi ako lang. Maswerte ako dahil kahit papaano natutustusan ko pa naman. Kahit hindi mo na naitatanong, yung mga magulang ko kasi pumanaw na. Well, not the both of them. Si tatay lang ang pumanaw, si nanay naman, iniwan na ako magsimula ng iniwan kami ni tatay, ayun, may bagong pamilya. Naiwan tuloy akong ulila. Pero magsimula noon, itinanim ko na sa isip ko na wala na rin si nanay at hindi na siya babalik pa." Pinunasan niya ang luha niya at tumingin saakin. "Hahaha! Akalin mo 'yon? Sa'yo ko pa talaga sinasabi ang kadramahan ko. Ang kapal ko lang. Sa dami ng kasalanan ko sa'yo tapos gagawin ko 'to? Pasensya na sa mga ginagawa ko. Sorry talaga."tumayo siya at itinabi ang mga gamit na nakakalat.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Fiksi RemajaSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...