"Kailan ka ba huling tumugtog? Bakit nagkanda-loku-loko ang boses mo?"
Pinanliitan ko ng mata si Yowan dahil sa sinabi niya. Anong karapatan niyang insultuhin ang boses ko e ang boses niya nga hindi ko pinapansin? Ano bang problema niya sa boses ko at kada magpa-practice kami lagi niya dinadaing?
"May problema ba? May problema ba sa boses ko?" Tanong ko at isinandal ang gitara sa pader.
"Kasi naman, kung hindi ka mapipiyok, iniipit mo ang boses mo. Paano ka mananalo sa music show kung hindi mo aayusin?" Kinamot niya pa ang ulo niya na parang nabo-bored na. "Pinapaalala ko lang sa'yo ugly duckling, this is our last practice dahil preperation na bukas, kinabukasan na ang music show. Ayusin mo naman."
Nadi-dissapoint ako sa sarili ko sa mga sinasabi niya. Nakakababa ng confidence. Binibigay ko naman ang best ko pero malapit na akong maniwala na pangit talaga ang boses ko.
I was about to talk ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito yung utu-utong babae na kasama kahapon ni Yowan dito sa music room.
Sunod sunod ang paghinga niya ng malalim at mukhang kakatapos lang makipaghabulan. "Yohan..." she said pero hindi niya kaagad nadugtungan ang sasabihin niya dahil bumukas na naman ulit ang pinto at iniluwa nito si Danica na humihinga rin ng malalim.
"I told you bitch! Me and Yohan are dating! Don't try to ruin our relationship!" Nanginginig na sigaw ni Danica.
Natutulala lang ako sa sinabi ni Danica. Totoo ba 'yon? Nag de-date na sila ni Yowan? Sila ni Yowan? E bakit hindi ko alam? Huh. Bakit naman nila ipapaalam saakin? Pero ibig sabihin niloloko ni Yowan si Danica at gusto niya ring patusin si Naomi na kasama niya kahapon dito sa music room? Ang gulo.
"Hahahahaha! In your dreams bitch!! I know Yohan at hindi siya pumapatol sa kagaya mong talunan! Loser!" Sigaw ng Naomi kaya dumapo ang malakas at matunog na sampal sa mukha niya galing kay Danica.
Gulat ako sa mga nangyayari. Hindi ko akalain na gagawin ni Danica 'yon. Sinampal niya si Naomi.
Nakahawak si Naomi sa mukha niya at mukhang gulat na gulat pa rin sa ginawa ni Danica pero agad ring nakabawi at ginantihan ng mas malakas na sampal si Danica.
Nakita ko ang pagtalsik ng pawis sa mukha ni Danica sa sampal na ginawa ni Naomi kaya napaatras ako ng kaunti at napalunok, hindi ko na rin napansin na napakapit na pala ako sa braso ni Yowan na ngayon ay pinapanood ang dalawa.
Nilingon ako ni Yowan tsaka tinignan ang kamay ko na nakakapit sa braso niya pero hindi ko siya pinansin. Gusto kong ipagtanggol si Danica pero hindi ko magawa dahil hindi ako makagalaw.
Hindi na nakatiis ang dalawa at nagsampalan at nagsabunutan na rin. Puro 'bitch at flirt' ang parati kong naririnig sakanila at hindi pa rin sila nagsasawa sa mga ginagawa nila.
Sabunot, sampal, sabunot, sampal, wala pa rin ni isa sakanila ang nagsasawa at mukhang ginaganahan pa.
Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa braso ni Yowan tsaka siya siniko ng mahina. "W-wala ka bang balak na awatin sila? Ikaw naman yata ang dahilan kung bakit sila nagsasakitan." Sambit ko.
Ngumiti siya tsaka ginulo ang buhok ko. "Ine-enjoy ko bakit ko tatapusin? Maliban sa suntukan, gusto ko rin makakita ng babaeng nag aaway." Pagtapos niyang sabihin yan, itinuon niya na ulit ang tingin niya kila Danica.
"Yowan. Please naman, awatin mo na." Pag mamakaawa ko dahil grabe na ang ginagawang pagsasakitan nila Danica at Naomi.
Umiling siya. "Ah. Ah. Ah. Pumikit ka na lang kung ayaw mong nakakakita ng ganyan." Sambit niya pa.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...