Chapter 19

486 25 8
                                    

"Kanina ka pa tulala jan? Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Icen kaya tumango ako.


Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko pati na rin ang leeg. Napakunot ang noo niya.


"Wala ka namang lagnat. Pero, mukhang hindi ka okay." Nagtataka niyang tanong.


Ngumiti ako ng pilit. "Okay lang ako. Sino bang nag sabi na may sakit ako? Ikaw talaga." Natatawa kong tanong kahit na pilit lang.



"Hindi. Hindi ka okay. May nanti-trip na naman ba sayo?" Tanong niya pero umiling ako. "Kumain ka na ba?"


Tumango ako kahit na hindi pa naman talaga ako kumakain. Nangungilit kasi siya. Kanina niya pa ako tinatanong kung okay lang ako. Iniisip ko lang naman yung itsura kagabi ni Yowan e. Sobrang nakakaawa. Butiki lang naman kasi yun.


"Alam mo, hindi na normal to. Okay ka lang ba talaga?"


Hinarap ko si Icen. "E kasi, si Yowa-"

"Anong ginawa niya sayo?!" Nagpa-panic niyang tanong kaya napangiti ako, pero this time, hindi na pilit.


"Wala. Walang siyang ginagawa saakin. Actually, ako ang may ginawa sakanya."


Pinanliitan niya ako ng mata. "Ano naman ang ginawa mo sakanya at ganyan ka na lang ka-apektado?"


"Binibiro ko lang naman siya kagabi sa hawak kong butuki, hindi ko inexpect ang magiging reaction niya, namumutla kasi siya, at hindi ko rin inexpect ang reaksiyon ko. Nakaramdam kasi ako ng.. awa." Sabi ko habang nakatungo lang.


Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. "Alam mo Hershey, normal lang sayo ang maawa ka sakanya. Mabait ka e. Kaya h'wag mo ng isipin yun."


Napaisip ako sa sinabi niya pero hindi ako kumbinsido. Dahil kung si Yowan lang naman yun, hindi ako maawa, matutuwa pa ako kahit gaano pa ako kabait. Tsaka hindi lang naman siya ang iniisip ko, pati si Danica, kanina pa kasi niya kami hindi kinakausap ni Icen. Ang sabi naman ni Icen nahihiya daw siyang lapitan si Danica dahil sinabi daw niya na iwanan muna namin siya.



Si Yowan naman, nakaupo lang din sa upuan niya habang kinakagat ang kuko niya. Usually, kapag ganitong oras gumagawa to ng kalokohan. Lalo lang akong nakokonsensya sa mga kinikilos niya.


Nanlaki ang mata ko ng makita niya akong nakatingin sakanya. Hala. Baka kung ano pa isipin niya. "Gusto mo?" Tanong niya habang inoofer ang daliring kagat kagat niya.


Napangiwi ako. "Ha-ha-ha. No thanks. Marami ako niyan." Sabay lahad ko ng mga kamay ko.


Kadiri. Ganon na ba siya kagutom para papakin ang kuko niya? Tapos inoofer niya pa saakin? Saan ka nakakita ng matino na tao na gagawin yon? Hindi talaga siya normal. Nakakatakot siya ha.


Pero atleast sa ginawa niya medyo nahimasmasan na ako. Bumabalik na siya sa pagka abnormalan niya. Para saakin normal siya kapag abnormal siya at abnormal naman siya kapag normal siya. Gets niyo? Okay. Forget about it.


"Mukhang okay naman siya." Sabi ni Icen habang nakatingin kay Yowan.


Tumango ako. "Tama ka. At nagsisisi ako, bakit ko pa siya kinaawaan." Umiling iling pa ako.


Nakatingin lang ako kay Yowan habang gumagawa na naman siya ng kalokohan. Nilagyan niya ng sticky note yung likod ng kaklase ko na may nakasulat na 'I'm stupid'. Ang hilig niya talagang man trip. Kakaiba talaga siya.


"Hey! Yohan! What did you do at my back!" Sigaw ng babaeng biktima niya.


Wow. Enjoy. Manonood ako ng sine. Ang cool. Live na live.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon