Chapter 10

523 23 1
                                    

"Hahaha! Talaga po Tita?! Hahaha!!

"Oo! At alam ko ba, bukambibig niya ang word na 'cool'! Sabi niya pa, ayun na lang ang itawag mo sakin para cool. Hahahaha."


"Hahaha. Seryoso po?!"


Kanina pa kami nag-uusap ni Tita Sasha sa coffee shop. It's all about Yowan. Hindi tungkol sa trabaho ko kundi tungkol sa mga kabaliwan niya sa buhay. Ang saya lang. Nakalimutan ko kahit papaano ang mga problema ko. Sana ganito na lang palagi, sana lagi na lang akong masaya.


"Grabe naman po pala siya. Kung titignan niyo parang kaya na niyang pumatay ng tao sa mga trippings niya tapos ganon lang po pala siya? Ang cool!"


Tumawa si Tita Sasha at nakipag appear pa saakin na para lang kaming magbarkadang nag ku-kwentuhan. Ang hyper niya, sayang lang at hindi nagmana sakanya si Yowan. Kanino kaya nagmana si Yowan? Siguro sa tatay niya. Pero bakit ito ba ang pinagu-usapan namin? Akala ko about sa trabaho. Sinasabi lang naman ni tita Sasha na gusto daw ni Yowan, Doraemon ang itawag sakanya. Hahaha! Baduy niya lang ha?


"Si Doraemon talaga, mayabang ang lalaking yun. Ewan ko ba kung bakit. Pero, pwe-"


"Tita Sasha?" Dinig kong bati ng nasa likuran ko na isang pamilyar na boses kaya napalingon ako. "Hershey?"


"Danica?"


"Magkakilala kayo?" Kunot noong tanong ni Tita Sasha.

Tumango si Danica, "she is my classmate, dati rin siyang nag ta-trabaho dito. So, ano pong meron Tita, do you know her?" Sabay turo pa saakin ni Danica.


"Ah! Magkaka-klase pala kayong tatlo nila Yohan. May pinagu-usapan lang kami. Too personal hija. By the way, how are you nd your parents?"


"We're fine. How about you po?"


Okay. Kunyari props ako. Kunyari alam ko ang pinag uusapan nila.


"I'm fine Nica."


"Tita, I'll go ahead." Sabi ni Danica at nagmadaling umalis na parang may hinahabol. Lagi namang nagmamadali 'yun.


"She's still pretty." Pinagmamasdan ni Tita Sasha ang paglayo ni Danica habang nakangiti. "Wait, ngayon lang nag process sa utak ko, ang sabi miya nagta-trabaho ka daw dati dito, e ngayon hindi na?"


Tumango ako. "Hindi na nga po. Tinangggal na po ako sa trabaho at baka raw po makasuhan ang company nila ng child abuse dahil sa child labor. Dalaga na po kaya ako," nag pout pa ako.


"So, kaya mo inaccept ang offer ko sayo?" Nakangiti niyang tanong.


Umiling ako. "Hindi po. Kaya ko naman pong maghanap ng trabaho in just one week pero, hindi ko na po kaya dahil nakulong ang Tatay ko, gusto ko na po siyang ilabas kaya ginagawa ko po ito. Kahit po na Mother kayo ni Yowan, sasabihin ko na, ayaw ko po talaga sakanya." Medyo yumuko pa ako dahil sa hiya. Baka tadyakin ako ni Tita Sasha palabas ng coffee shop.


"What? Your father?" Gulat niyang tanong. "So, when we will start?"


"Kayo ba po ang bahala kung kailan."


"Tomorrow?"


"Deal."

"Deal. You'll receive 10,000 a month pero dahil sa problema niyo ng Daddy mo, ako na ang bahalang mag-asikaso ng sa Dad mo. Promise, ilalabas ko siya kaagad mamaya. Basta h'wag mo akong bibiguin."


Nangintab ang mata ko sa narinig ko. Ilalabas niya si Tatay? Ang bait niya ha? Pero, ano bang ipapagawa ko kay Yowan sa bahay? Ano, parang wala lang o gagawin niya akong katulong?


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon