Chapter 18

494 24 4
                                    

Ang tagal na panahon na magsimula ng magkanta at humawak ako ng instrument. Sobrang tagal na pala ng mga panahon na yon.


At, eto ako ngayon, tumutugtog na naman. Wala naman nagbago sa boses ko. Okay pa rin, ang kaso nawawalan na ako ng gana na kumanta dahil inalis ko na sa isip ko na may talent ako. Siguro nabigla lang ako kahapon kaya ako nagtaas ng kamay.



"Ano ba naman yan Hershey! Ang pangit na ng boses mo ang pangit mo pang tumugtog." Angal ni Yowan habang inaagaw saakin ang gitara.


"Ano ba Yowan?! Bakit ka ba nangingialam?! Mas grabe nga ang boses mo sakin. Amin na nga ang gitara! Meron kang sayo e." Nag agawan lang kami ng gitara pero wala e, malakas talaga ako kaya nakuha ko siya.



"Kainis naman. Ang sakit mo sa tenga." Sabi niya at nag strum ulit.


"Tss. Kung alam ko lang ayaw mo na akong pahintuin sa pagkanta." Pang aasar ko.


"Tumahimik ka nga. Basta, final na ang you to me are everything na yun ha?" Tumayo siya at isinandal ang gitara sa wall. "Bukas ulit." Sabi niya at umalis na ng music room.



Napatingin ako sa wall clock na may ilaw. Isang oras pa lang kaming nagpa-practice, ang alam ko dapat two hours. Ang aga niyang umalis? Baka may lakad? Wala siguro, wala naman kaibigan ang isang yon.



Ang awkward nga kanina, after naming mag usap ng matino bigla na lang kaming natahimik. Mga 1 hour din ganon ang sitwasyon namin kaya naka-idlip ako ng kaunti, nagising na lang ako ng maramdaman ko siyang nasa harapan ko. Then after that, back to normal na naman. Yung abmormal way kong pakikipag-usap sakanya bumalik na.


Okay na back to normal na kami dahil nakaka-ilang din yung sitwasyon namin na yon kanina.


"Hersh. Kanina ka pa namin hinahanap."


Binitawan ko ang gitara na hawak ko tsaka nilapitan sina Icen at Danica. "Sorry, nagpractice lang kami ni Yowan para sa music show, hindi na ako nakapag-paalam sainyo dahil nawala na sa isip ko." Nahihiya kong sagot.


"Wow ha. So, wala na lang kami sayo kaya ganon mo na lang kami kalimutan?" Ngumisi pa si Icen kaya napayuko ako. Bigla niya namang ginulo ang buhok ko. "Kidding!"


Napangiti ako. "Sorry talaga. Promise, sasabihan ko na kayo sa susunod." I said.


"We forgot nga pala ang about jan sa music show kaya hinahanap ka namin. But, where is Yohan? Diba dapat two hours kayong nagpa-practice?" Sabi ni Danica habang nakatingin sa wrist watch niya.



"Oo tama ka. Pero, sumumpong na naman ang ka-abnormalan niya kaya umalis na lang siya bigla." Sabi ko habang umiiling.



"I really really hate that boy. What about the two of you?" Sabi ni Icen.


I nodded. "I hate him too. And I loathed him." I said sarcastictly.


Pareho kaming napatingin ni Icen kay Danica, waiting for her answer but, nakatingin lang siya samin.



"What?" Nagtataka niyang tanong.

"We're asking, do you hate Yohan too?" Icen's asked.


Nagkibit balikat siya. "Why would I hate my friend right? Kahit na ganyan yan, I considered him pa rin as my friend. Lalo na't may past relationship kami. But, it's okay right? Even if friend ko si Yohan friends pa rin tayo?" Tanong niya.


Tumango kami ni Icen. "It's okay Danica. Siyempre maliban saamin kailangan mo pang magka-kaibigan ng iba." I said.


Nag iwas siya ng tingin. "How are you na pala? Kanina you said gusto mong mapag-isa?" Tanong niya.


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon