"Kailan po ba ipa-pass ang ibinigay niyong reviewer?"
"I'll give you 'til friday, make sure na maayos ang paper na 'yon Hershey, pinapaalala ko sayo, that is important at wala ng copy no'n dahil kahit na ipa-photo copy mo, my stamp pa rin yon. Is that clear?"
Tumango ako sa Math Teacher namin na si Teacher Garcia. Kahapon niya pa ibinigay 'yong reviewer pero hindi ko pa nasasagutan dahil nga sobrang busy ko. Kaya itinanong ko sakanya ang deadline. Buti na lang at matagal pa naman.
Dumeretso ako sa room at nadatnan ko agad si Danica at Yowan na nag uusap. Sila pa lang dalawa dahil maaga pa naman para sa first subject. Pumasok na ako pero mukhang hindi nila ako napansin kaya hinayaan ko na lang.
"Why do you choose to study here Nica?" Tanong ni Yowan habang nakaupo sa mismong table at inaayos ang sintas ng sapatos niya.
"Because I like here. How about you, why are you here? I thought sa Canada ka mag aaral."
"We do the same, I like here. But, how can that happened na kaklase kita? Did you plan this?" Natatawang tanong naman ni Yowan.
"Hahaha. No! Destiny maybe? But, at least I found a way to say sorry to you about what happened to our relationship right? Maybe gumagawa ng paraan ang destiny para magka ayos tayo. So you can move on?" Natatawa rin namang sagot ni Danica.
Tama ba ang narinig ko? Naging magka relasyon ang dalawang 'to? As in? Pumatol si Danica sa isang unggoy na mukhang palaka na may ugaling demonyo? Naging sila?!
"Hey, I already moved on! We are friends right?"
"Really? Of course we are. But, I heard the news about 'Yohan, the rule breaker is back', is that true?"
Tumango si Yowan. "Before I met you, they know me with that title. Nung nakilala naman kita, yes, I've change, but when we broke, I just realize that, I'm still Yohan and there's no reason to change." Seryosong sabi ni Yowan.
Ang pangit tignan ha? Si Yowan, seryoso? Broken hearted din pala 'tong isang to. Malamang, nauntog si Danica. Pero, hindi ko talaga expect na magugustuhan ni Danica ang katulad niya. Oo guwapo siya, mayaman, pero the attitude, ang layo sa physical niyang itsura.
"Look Yohan. Hindi porket okay na tayo, hindi na ako magsasabi ng sorry sayo. I know there's a part of you na galit sakin so, sorry. Sorry for the damage I've made. I'm a relationship wrecker and unluckily, I ruin my own relationship. Weird right? Myself is my victim. But I need to do that beca-"
Hindi natuloy ni Danica ang sasabihin niya ng magsalita si Yowan. "Ang pangit ni Hershey no?"
"Huh? Why did you changed the topic?" Kunot noong tanong ni Danica.
Oo pangit ako, pero hindi ako tanga. Alam ko na nakita na ako ni Yowan kaya niya in-open ang topic na 'yon. Bakit ha? Siya lang ba o sila lang ba ang may karapatang pumasok ng room ng walang katok katok? Tss.
"Nothing. I just smell her bad smell."
Parang may napansin lang ako.. bakit nakatayo nga ba ako sa tabi ng pinto habang pinapakinggan ang usapan nila? Am I trying to eavesdrop ng hindi ko alam? Hell. Naglakad ako at umupo sa upuan ko. I also took a glance at my wristwatch and 30 more minutes before the class starts.
"Ohh. She's here. Kaya pala kumakalat ang amoy." Nagtakip pa ng ilong si Yowan.
Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na lang pinansin.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
JugendliteraturSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...