"Hindi po sapat na pagsabihan lang 'yan! Dapat po d'yan binibigyan ng patong patong na punishment hanggang sa mangisay siya sa pagod!"
I can't control my emotion. Gosh! Ginagawa ko ba talagang sumigaw sa harap ng head teacher? I'm an educated girl. Pero, sino ba naman kasing hindi maiinis?! Yung buhok ko parang alambre na dahil sobrang hirap ayusin at suklayin tapos didikitan pa ng chewing gum?! Sabihin niyo! Sinong hindi maiinis?!
"Bakit hindi kaya ikaw ang maging Teacher at si Teacher naman ang maging student? Alam mo pa sakanya?" Kalmadong sabi ni Yowan at mukhang nag pa-party pa dahil walang punishment na nagaganap.
Hindi naman yata ako papayag? Ako nag ditch lang ng class punishment na kaagad? Siya nambu-bully na ng estudyante, nambu-bully pa ng Teacher. Remember? Yung nangyari kay Teacher Garcia last time na nadulas. Akala ko hindi na siya tatanggapin sa school after what happened pero nasa harapan ko siya ngayon, nanggugulo. Nasaan ang hustisya?!
"Teacher, hindi naman po yata ako papayag na, ako nag ditch lang ng class may punsihment na kaagad. Siya nga po patong patong na ang kaso wala man lang nagyayari. Hahayaan niyo ba na may mapatay muna siya bago po siya parusahan?" Ang OA pero nakakainis kasi.
Parang lumabas ang utak ko dahil sa nakadikit na chewing gum sa buhok ko. Paano ko na tatanggalin 'to? Gugupitin? Oh no. As if naman na tutulungan niya ako. Asa pa ako diba? Kapag nakalbo ako, gugupitin ko pati ulo niya! Tandaan niyo 'yan.
"Nagkakasalubong ang explanations niyo. Kanino ako maniniwala? Please, umayos nga kayo. Bigyan niyo ng time mag explain ang isa't isa bago kayo magsalita. Ikaw na mauna Yohan Grey."
"Bakit kasi kailangan pang papuntahin dito sa Guidance?" Inis na inis siya at nag explain na lang. "Kinakausap ko siya, kaso, hindi siya sumasagot. Ang tino tino ng tanong ko kung may homeworks pa ba kami na hindi ko nagagawa." Gusto kong mag welga ang kaso, parang bastos naman 'yun. Nagsasalita pa siya. "After that, kinuha niya ang chewing gum na hawak niya at tinangkang idikit saakin kaya umiwas ako, hinawakan ko ang kamay niya pero hindi ko sinasadya na maidikit ko 'yon sa buhok niya. Ayun lang naman po ang nangyari." Nagpa-inosente look pa siya. Tinignan ako ni Teacher ng 'it's your turn look' kaya dinepensahan ko ang sarili ko.
"Sa tingin niyo po ba mapupunta kami dito sa guidance kung ako ang may kasalanan? Kilala niyo po ako teacher. Maniwala po kayo sa sinasabi ko na hindi ko siya sinasagot sa mga tanong niya dahil iniinis niya po ako. At siya po ang nagdikit ng chewing gum na 'to sa buhok ko. Kung ako lang po ang may kasalanan, mas pipiliin ko na lang po na manahimik na lang."
Huminga ng malalim si teacher at tinignan si Yowan na ngayon ay nilalaro ang ballpen niya. Bwisit 'to e. Panira talaga! Binabaliktad pa ako. Umaabuso na. Kailan ba siya mamamatay?
Tinignan ako ni Teacher tsaka siya nagsalita. "You may go Yohan. Hershey, maiwan ka."
"Hahahaha! Wooohooo!" Sigaw ni Yowan at lumabas na ng guidance office.
Naiwan naman akong nakanganga habang nakatingin kay Teacher. Ang totoo? Naniwala siya sa alibi ng lalaking 'yon? Akala ko ba trustworthy ako? Nako nako! May mali! Si Yowan dapat ang naiwan dito at hindi ako!
"Teacher.. bakit ako naman po ang pina-"
"Listen first Hershey. I know you're telling the truth. I just wanna talk to you and with his Mom okay? I'll just call her Mom."
Kinuha ni Teacher ang phone niya at may kinontact. Akala ko talaga naniniwala siya sa malignong 'yun. Hindi ako papayag. Ano ba kasing pag uusapan pa namin? Bakit hindi na lang bigyan ng nakakamatay na punishment si Yowan para tapos na? Tsaka mag uusap daw kami with? With? With his Mom? Waaaah! Isusumbong ko talaga siya!
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...