Chapter 45

437 17 1
                                    

Ilang linggo na yung nakakalipas simula ng mangyari ang aksidente kay Irene. Ilang linggo na rin mula ng tawagin akong idiot ni Yowan pero hanggang ngayon nasasaktan parin ako kapag naaalala ko.

Lalo na't halata naman na iniiwasan niya ako. Oo, tama, iniiwasan niya ako. Kitang kita ko kung paano siya lumayo kapag papalapit ako sakanya. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya pero unti unti ko ng tinatanggap na wala na siyang pakialam saakin.

Ilang linggo na ang nakalipas at marami na rin ang nangyari. Si nanay at tatay nakuhanan ko na ng matitirhan kaya hindi na ako masyadong nag aalala. Si Danica naman hindi ko pa siya nakikita simula ng mag-usap kami sa cafe. Si Icen, ganon parin, maalaga parin pero napapansin ko na lagi niyang tinitignan si Irene. Si Irene naman, kinakausap naman kami ni Icen pero mas madalas niya paring kasama si Yowan.

"Hershey, aalis kaba ngayon?" Tanong ni mama kaya bumalik ako sa wisyo ko.

Tumango ako tsaka ngumiti, "Ahh. Opo, nagyaya po kasi si Icen."

Lumapad ang ngiti ni mama, "Ganon ba?" Tinignan niya pa ako ng nakakaloko, "Ehem. Kayo ba ni Icen, magkaibigan lang ba talaga kayo o baka naman..."

Sa tingin ni mama alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya nanlaki ang mata ko, "Nako mama. Mali po 'yang iniisip niyo. Close lang po talaga kami." Nahihiya kong sambit. Bakit ba kasi naisip ni mama 'yan?


"Wala akong sinasabi.." natatawa niyang sambit. "Oh, sige na, umalis ka na, baka hinihintay ka na ni Icen."

Tumango ako tsaka nagpaalam. Napag isip isip kasi namin ni Icen na maglibot sa mall dahil nakakainip sa bahay. Apat na araw kasi kaming walang pasok dahil may inaayos ang mga teacher dahil malapit na ang graduation naming mga senior high.

Pagdating ko sa mall, nakita ko kaagad si Icen na nakatayo sa harap ng isang stall. Naks. Ang guwapo niya ha?

Kinalabit ko siya, "Kanina ka pa ba?" I asked.

Umiling siya tsaka tumingin sa wrist watch niya, "Hmm. Sakto lang. Halika na?"

Hindi pa ako nakakasagot ng bigla niya akong hilain. Kainis. Hindi ako ready doon, mukha tuloy akong kinakaladkad.

Napahinto kami pareho ng makita na lang namin sa harapan namin si Irene at Yowan na magkasama. What the hell are they doing here?! I mean, alam ko naman na may karapatan silang magpunta dito dahil unang una this is a public place, pero bakit kailangan pa namin silang makitang magkasama?!

"Hershey, Icen, nandito rin kayo?" Amaze na tanong ni Irene.

"Wala. Anino lang namin to." Pilosopo pero seryosong sabi ni Icen.

Napa-pout naman si Irene, "Grabe ka naman saakin Icen."

Magsasalita palang sana si Icen pero biglang nag ring ang phone niya, sinenyasan niya ako na sasagutin niya lang yon kaya siya lumayo ng bahagya.

Naiwan kaming tatlo nila Irene at Yowan. Tahimik lang kami pero pansin ko ang panay na senyasan ng dalawa at mukhang nag uusap ang mga mata nila. Ayaw kong mag mukhang istorbo kaya lalayo na lang sana ako pero pinigilan ako ni Irene.

"Ah! Ehem.. ahh. Hersh, p-pwede ko bang iwan muna saglit sayo si Yohan? May gagawin lang sana ako saglit.." Nauutal niyang sambit.

Ayaw ko naman siya tanggihan kaya tumango nalang ako, "Sige lang." Pero h'wag kang mag-expect na sasamahan ko 'tong Yowan na 'to.

"Talaga? O sige. Promise, sandali lang ako." Tinaas niya pa ang right hand niya.

Tinanguan ko na lang siya at umalis na siya. Sinundan ko siya ng tingin pero laking gulat ko nalang ng bigla niyang hilain si Icen habang may kausap pa 'to sa phone.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon