Chapter 3

775 32 2
                                    

Two subjects na ang hindi ko pinapasukan ngayong umaga. Hindi ko kasi napansin na nakatulog pala ako sa library. Nag unat unat ako at lumingon sa paligid. Napatingin din ako sa wall clock sa taas ng Librarian. Hala! 10:30 na at isang oras na lang lunch break na! Nasobrahan yata ako sa tulog?

"Ms. Kanina pa kita nakikita na natutulog dyan. Wala ka bang klase? Oras ng klase ngayon ha?" Tanong ng Librarian.

"Ah. Ah, w-wala e. Nag s-semminar kasi ang mga subject Teacher ko. Hmm. Sige po! Thank you!" Sagot ko at tumakbo palabas ng Library.

Late na ako ng ilang minuto para sa last subject ko. Pero makakahabol pa naman ako! Pag dating ko sa tapat ng classroom, hindi muna ako pumasok kaagad, sumilip muna ako sa bintana at nag uumpisa ng mag check ng attendance ang Teacher namin. Baka maapektuhan ang scholarship ko kung hindi pa ako papasok ngayon. Hindi ko kaya.

Kumatok ako sa pintuan at pinihit ang door knob. Natigilan si Teacher Garcia sa pag che-check ng attendance tsaka ako tinignan. Napatingin din siya sa wristwatch niya.

"Ms. Casple? Kailan ka pa na late? This is the first time." Kunot noong tanong ni Teacher Garcia.

"Hmm. Teacher, n-nasa clinic po kasi ako kanina. Sumakit lang po ang ulo ko. Sorry po hindi ako nakapag paalam." Pagsisinungaling ko. Tama siya, this is the first time that I'm late and this is also the first time that I ditched a class. Nakakakaba pala.

"Are you sure?" Tanong niya.

Napalunok ako. "Y-yes po." Total naman na umaarte ako ngayon paninindigan ko na. "Ouch! Masakit p-pa nga rin po e." Sabi ko at napahawak pa ako sa ulo ko.

Napataas ang kilay niya. "Kaya mo ba? Sige, punta ka na muna ng clinic, i-e-excuse na lang kita. Quiz lang naman ang meron tayo ngayon."

Quiz? Anak ng! Hindi ako nakapag review! Pesteng kapuyatan 'to. Bakit hindi pa ako tantanan. Napatingin ako sa mga classmates ko na lahat ay may hawak na libro and notebooks at mukhang nag re-review, maliban sa isa. Si Yowan, ayun ngumunguya na naman ng chewing gum at pinapalobo niya pa ito habang nakapikit at pirming nakasandal sa upuan ko na inagaw niya.

"Ah. Teacher, okay lang po ako. Titiisin ko na lang po 'yong sakit." Sabi ko at nagpunta sa pwesto ko.

Kinalabit ko ang nakapikit na si Yowan tsaka nag pameywang. Hindi pa naman nag s-start si Teacher Garcia dahil nag che-check pa lang naman siya ng attendance kaya makikipag debate muna ako dito sa hinayupak na 'to.

"Alis." Sabi ko.

"Bakit naman ako aalis?"

"Dahil pwesto ko 'yan?"

"Oops. Di ka ba na-inform? Pwesto KO na 'to."

"May pangalan mo?"

"May pangalan mo rin ba?"

"Umalis ka na lang kaya?"

"Gusto mo na naman ba ng pera?"

"Tumahumik ka!"

"E kung aya-"

"Ano ba?! Hindi ba kayo aware na may nag aaral sa harap, likod at tabi niyo?!" Napahinto kami sa pag dedebate ng biglang sumigaw si Icen na mukhang naistorbo sa pag re-review.

"S-sorry Icen. Si Yowan kasi e." Sabi ko na lang at umupo na nga lang ako sa right side ni Yowan na katabi ng bintana.

"What?! I'm not Yowan. I'm Yohan, kung baduy ka, h'wag na h'wag mong idadamay ang pangalan ko. Panget!" Sigaw ni Yowan.

"Yowan man yan o ano, hindi na mababago ang katotohanan na pangit ang ugali mo!" Sigaw ko sakanya at kinuha na lang ang notebook ko para mag review ng lecture.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon