Hindi pa rin ako makapaniwala na may kaibigan na ako ngayon. Sayang lang at ngayong last year ko na sa high school tsaka pa nangyari ang lahat. Ang dami kong first time na naganap magsimula ng dumating sina Icen, Danica at Yowan sa buhay ko.
Merong first time na malungkot. Yung yung first time kong matanggal sa trabaho. Meron namang nakakainis. Yung first time kong mahalikan, at si Yowan pa ang gumawa. Meron din namang masaya. Yung yung first time kong magka-kaibigan and luckily it's Icen.
Grabe, wala na akong masabi sakanya. Super bait at supportive niyang kaibigan. Lahat na ng good attitude nasakanya na. Bonus pa na sobrang guwapo, talino at talented niya.
"Hersh. Nakikinig ka ba?"
Napatingin ako kay Danica. Ooops, kinakausap niya pala ako, hindi ko man lang napansin. "Sorry Danica pero, ano ulit yun?" Nahihiya kong tanong at napakamot pa sa ulo. Nakakahiya naman na kinakausap niya ako tapos sobrang lutang ko naman.
"Sabi ko sabay na tayong maglunch." Seryoso niyang sagot.
Hindi tulad ng usual, hindi na ako nagugulat kapag ang isa sakanila ni Icen ay inaya akong mag lunch. Nasanay na ako. Isa rin si Danica na tinuturing ko ng kaibigan, pero ewan ko lang kung mutual ang turing namin sa isa't isa.
"Okay." I smiled at her and she do the same.
"By the way, I need to go to the library to get some books. Gusto mong sumama?" She asked pero umiling ako.
"Hindi na. Thank you na lang." Sagot ko kaya umalis na siya. She's adorable.
Kung hindi niyo na itatanong, si Icen hindi pumasok ngayon dahil hinatid niya daw ang kapatid niya sa airport. Inaya niya pa ako pero tumanggi ako dahil may pasok at nakakahiya naman.
"Hey, girl with oh-so-boring eye glasses!" Tawag saakin ni Irene. Papalapit siya ngayon saakin habang naka cross arms pa. Eto na naman po siya. "Where is Icen?" Taas kilay niyang tanong.
I shrugged. Kunyari hindi ko alam, dahil kapag nalaman niya na alam ko kung bakit wala si Icen, hindi niya na naman ako tatantnan at maghapon niya na naman paiinitin ang ulo ko.
"You don't know? Kung sabagay. Bakit niya naman ipapaalam sayo right? Tss. I'm just wasting my oras talking to you." At umalis na nga siya sa harapan ko pero pinalitan naman ng mas malala sakanya.
"Bakit na naman Yowan Grey?" Tanong ko kay Yowan na nakatayo ngayon sa harapan ko. Paniguradong mambu-bwisit na naman to e.
"Ah." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Sobrang seryoso niya yata ngayon? Bakit ganyan ang itsura niya? Ibang iba siya sa Yowan na kilala ko.
Mukhang hindi naman siya mang-iinis. Ano na naman kayang trip nito? Nakakainis talaga na pinag iisp niya pa ako.
"Ano ba?" Tanong ko ulit.
"Ehem. Kasi, yung ballpen na binili ko kahapon, na shoot sa bag mo kagabi. Yung bag mo kasi, harang harang. Ayaw ko namang kunin baka isipin mo pa na may kinukuha ako sa bag mo." Bulong niya saakin. Iniiwasan niya talaga na marinig ng iba ang sinasabi niya dahil talagang lagot kami kapag nalaman nila na saamin siya nakatira.
"Oh, e ano ngayon ang gagawin ko?" Taas kilay kong tanong.
Huminga siya ng malalim. "Ang bobo naman nito." Bulong niya pero dinig na dinig ko naman.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...