"Pwede pong makitawag?"
"5 pesos."
Kumuha ako ng barya sa bulsa ko tsaka ibinigay sa tindera. Ang malas ko pero ang swerte ko pa rin naman. Talagang tsumempo pa na mawawalan ako ng trabaho at dumating naman ang pag asa. Thank you kay Yowan dahil dinikitan niya ako ng chewing gum, at least binibigyan ako ng opportunity ng Mama niya. Sobrang worth it lang.
Pero paano kaya kung hindi ko nakausap ang Mama niya? Siguro iiyak na lang ako ng iiyak.
Ilang ring pa lang, sinagit na 'yon kaagad. Buti na lang at kahit gabi na sinagot pa rin naman ang tawag ko.
"Hello? Good evening." Bati ng sa kabilang linya.
"Good evening po. Kayo po ba si Mrs. Sasha Grey?"
"Sino po sila?"
"Hershey Casple po."
"Ah. Teka lang po. Tatawagin ko lang po si Ma'am."
Tumango ako kahit na hindi nila nakikita. Pinikit ko ng mariin ang namamaga kong mata tsaka huminga ng malalim. Sana lang, pumayag pa siya. Kahit labag aa kalooban ko kung wala na akong choice wala rin naman.
"Hello. Hershey?"
"Tita Sasha.."
"Oh? May good news ba?"
Wow. Good news daw. Super bad news lang sakin nito. Hindi ko nga ma-imagine na makakasama ko si Yowan. Sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit si Yowan pa? Bakit hindi na lang si Icen. Oh diba?
"Payag na po ako." Labas sa ilong kngg sagot. Nako!
"Talaga?! That's a good news!" Masigla niyang sagot. "Sige ganito, bukas after class hihintayin kita sa coffee shop okay?"
"Sige po."
"Good bye Hershey!"
Una ko ng binaba ang telepono tsaka nagpasalamat sa tindera. Laglag pago akong naglakad pauwi saamin tsaka nagpahinga.
Okay, haharapin ko ang problema ko bukas.
***
Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako ng school o hindi. Paano ba naman kasi, kahit na puro inom si tatay nag aalala pa rin ako sakanya. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko kaya. Basta, bukas nandito na ulit siya.
"Papasok ka ba?" Halata kay Nanay na puyat na puyat siya.
"Opo." Ayun lang ang sinabi ko at nagpunta na ng banyo para maligo.
Papasok na lang ako. Para naman makalimutan ko kahit saglit ang problema ko. Tsaka isa pa, wala na ako last meeting dahil nga nasa Guidance office ako, baka kung ano pang isipin ng mga Teachers ko sakin.
After kong maligo at magbihis, pumasok na ako sa school. Talagang namamaga na ang mata ko sa kapuyatan. Malapit na ako sa classroom ng bigla akong harangin ni Irene.
"I heard what happen to your Father. Like duuuh! He's criminal! For sure you're criminal din?" Nag crossed arms pa siya.
Nilampasan ko lang siya at hindi pinansin. Kanino niya ba nalaman 'yan? Stalker ko ba siya? Ayun na lang pinapakialaman pa. Hahanap ba talaga siya ng makakasira saakin dahil hindi niya pa rin ma-beat ang grades ko?
Pumasok ako ng classroom. Pagpasok na pagpasok ko pa lang, hinila na ako paharap ni Irene sakanya. Itinuro niya ako tsaka siya nagsalita.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...