Chapter 34

411 17 7
                                    

"Hershey!"

Tatakbo na sana papalapit saakin si Yowan pero pinigilan ko siya. Pinunasan ko ang luha ko tsaka nag fake smile.

"Yowan. Dumating ka. Sayang tapos na kaming mag pe-"

"Hershey, s-sorry. Sorry, nagka-"

"Huh. Stop it Yowan. Umalis ka na lang muna." Sabi ko dahil baka hindi ako makapagpigil.

Nilapitan naman siya ni tita Sasha. "Sumama ka sa'kin Yohan. Mag usap tayo." Seryosong sabi ni tita tsaka niya hinila si Yowan palabas ng backstage.

Huminga ako ng malalim tsaka umupo sa upuan. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at hindi ko na naman mapigilan na maiyak. Nakakainis ka Hershey, mukha kang tanga. Anong iniiyakan mo?

"Shh. Hershey. H'wag ka ng umiyak. Sige ka, baka matalo tayo niyan." Sabi ni Icen kaya napatingin ako sakanya.

Ngumiti ako tsaka ko siya niyakap. "Thank you Icen. Kung wala ka, hindi ko alam ang gagawin ko."

Ilang minuto kaming naghintay para malaman ang winner at sa wakas, pinaakyat na kami sa stage para i-announce ang mananalo.

Habang hinihintay naming magsalita ang emcee, nahagip naman ng malikot kong mata si Yowan na nakatingin ng seryoso saakin. Napansin niya ang pagtingin ko sakanya kaya agad akong umiwas ng tingin.

Napansin nama ni Icen 'yon kaya hinawakan niya ang kamay ko. "H'wag mo na lang siyang pansinin Hersh. Magiging okay din ang lahat."

Nginitian ko na lang si Icen bilang sagot at pilit na inilagay ang atensyon ko sa emcee.

"The winner of this contest is.. Miley Fortalejo and Justine Santos."

Nagsasalita pa ang emcee pero parang pinagsuklaban naman ng langit at lupa ang pakiramdam ko kaya bumaba na ako ng stage para doon ibuhos lahat ng naipon na luha sa mata ko. Nakakahiya kung sa stage ako iiyak.

"Hershey! Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Icen habang hinahabol ako.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na tumatakbo hanggang sa makabangga ko si Teacher Avril. Nag bow ako bilang sorry at tatakbo na sana ulit pero hinawakan niya ako sa braso.

"Hershey, anong nangyari? Nasaan si Yohan? Bakit si Icen ang na-"

"S-sorry po." Kahit na nakakahiya, tumakbo na nga ako ng tuluyan palayo sakanila. Hindi ko kayang makipag-usap ng matino sa ganitong sitwasyon.

Hinahabol ako nila tita Sasha, Icen at Yowan pero wala ni isa sakanila ang pinansin ko. Gusto kong linawin lahat ng mga nangyayari. Siguro nga hindi para saakin ang price sa contest at hindi ko mababayaran ang malaking utang namin pero siguro may chance kung hindi ako pinaasa ni Yowan.

Kung sakaling dunating siya, talo pa rin ba ako? Kung dumating kaya siya iiyak ako ng ganito? Hindi siguro. Mas tatanggapin ko pa na natalo kami pero sinubukan naman namin ang best namin pero ang hindi ko matanggap, natalo kami dahil hindi tumupad si Yowan sa usapan.

Siguro OA para sa iba ang naging reaksiyon ko, pero ganito siguro talaga kapag nag assume ka ng sobra. Umasa ako e, dibale sana kung wala lang para saakin ang contest na 'to. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pwede kong pagkatiwalaan si Yowan pa?

May nalalaman pa siyang consequences jan e hindi naman pala siya sisipot. Hindi na ba talaga siya magbabago? Habang buhay na ba siyang magiging selfish?

"Hersh.."

Pinunasan ko ang kuha ko bago tumingin sa nagsalita. Si Danica pala. Akala ko umalis siya kanina. Nandito pa pala siya.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon