ProloguePinalilibutan ako ng tatlo kong matatalik na kaibigan habang nakaupo kami ngayon sa damuhan, sa gilid ng football field at sa ilalim ng malaking puno ng san francisco. One hour vacant namin ngayon.
"Kirsten naman kasi! Balik mo na yan!" Akmang kukunin ko sa kanya ang maliit kong notebook na hawak niya, pero agad niyang nailayo iyon sa akin habang nakangisi siya. Humahagikgik naman ang dalawa ko pang kaibigan na si Ericka at Hannah.
"Johana Custodial. Kaibigan mo kami, hindi ka dapat naglilihim sa amin. You never tell us about this, confidential notebook."
Confidential talaga ang notebook na yon. may nakalagay pa nga sa cover nitong green na 'confidential'
"Ano ba ang meron dito at confidential ang nakalagay?" Tanong pa ni Kirsten.
"Listahan ko lang yan!"
Nagtaas ng kilay si Kirsten. "Ows? Hindi nga? Hindi mo kami maloloko." Kasabay ng pagbukas niya ng unang pahina ng notebook ko.
Napatutop nalang ako sa noo ko dahil sa kahihiyan. That confidential notebook is like a diary. Naroon ang bucket list ko, list of my crushes na hindi ko na kailangang itago sa kanila dahil alam na nila, naroon din ang list of my favorite celebrities, places I wanted to go around the world, at kung anu-ano pa, but most of all...nandoon ang ten things to get me list ko.
I know it's sounds stupid for a freakin' genius, geek, dork, weenie, nerd, whatever you call me, to have that kind of list, because everybody thought that I only set my mind on my grades or on those freakin' books. But the truth is... I'm still a normal human being. A normal girl, waiting for her one true love.
"OMG! Johana's ten things to get me list." Nagtaas ng kilay si Kirsten at may halo ng panloloko ang ngiting ipinukol niya sa akin. "I never thought you have this kind of list. When did you wrote this?"
"Last week? Urgh! I forgot. Just give it to me, okay?" binalak ko ulit hablutin kay Kirsten ang notebook ko pero mabilis niya ulit na nailayo sa akin yon.
"No way." Itinapat niya sa'kin ang kanyang hintuturo at iminuwestra niya yon na para bang sinasabi niyang hindi pwede.
"Basahin mo na, Kirsten." Nakangiting utos naman ni Ericka sa kanya.
Sinamaan ko nalang sila ng tingin dahil sa tila ginagawa nilang pambubully sa'kin.
"Number one, give me a back hug. That was so sweet!" Pagbasa ni Kirsten. Sabay-sabay pa nila akong kinantyawan. Totoo ko nga talaga silang kaibigan.
Sa kahihiyan ay itinakip ko ang buhok ko sa mukha ko.
"Number two, kiss me in the rain!!!" Nasa tono pa ng boses ni Kirsten ang pang-aasar.
"Anong nakain mo at naisip mong gumawa ng ganitong list?" Natatawang tanong ni Hannah.
"Wala lang. Bakit ba? Masama?" Humalukipkip ako at inirapan sila.
Actually, nagawa ko ang list na'yon ng minsan naming mapag-usapan kung kailan namin gustong mag-asawa. Ang sabi ng mga kaibigan ko, pwede na silang mag asawa kapag naka graduate na kami ng college which is two years from now. Hindi naman ako nakapag decide kung kailan ako, kasi never pa ako nagka boyfriend unlike them. Hindi ko naman pwedeng sabihin na after graduation namin dahil until now, wala pa akong experience sa relationship. And if ever na magkakaroon ako ng boyfriend, gusto ko yung siya na talaga.
"Number three, serenade me. Number four, give me three white roses. Five, piggy back ride? Seriously? This is so chessy, Jona. Sa mga korean at Japanese movie lang to madalas mangyari no! Walang ganito ka romantic na lalaki sa reality."
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
General FictionMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...