Kabanata 16
Rank----------
"Nandito ako ngayon sa bahay nila Aries, nagkasundo-sundo kasi kaming mag group study." ani Harizel habang kausap ko siya sa cellphone. Tumawag kasi siya sa akin at kinakamusta ang pag-rereview ko."Nag gu-group study pala kayo. Dapat hindi ka gumagamit ng cellphone ngayon at tinatawagan ako."
"We have one hour break. We can do what we want, Jona."
"Alam mo na ba yung coverage ng ie-exam natin kay Sir. Geisler?"
"Hindi pa ako nagrereview sa kanya, inuna ko muna yung mga hindi major. Yun ang inuna namin nila Daren."
"Pero alam mo niyo yung coverage?"
"Teka, sandali."
"Daren! Alam niyo yung coverage ng exam kay sir tonap?" Dinig kong sigaw ni Harizel.
"Review-hin mo nalang lahat ng tinuro niya. Lahat naman yon isasama niya sa exam." Mahina pero dinig kong sagot ni Daren.
"You heard that? In short hindi namin alam." Nadinig ko pa ang pilyo niyang pagtawa sa kabilang linya.
"May ise-send akong document sa fb mo. Buksan mo, ise-send ko sa inyo yung coverage. Alam niyo, kapag alam niyo yung coverage. Mas mapapadali ang pagrereview niyo. Hindi niyo na kailangang ireview lahat, kaya kayo nakakakuha ng mababang score e."
"Really? Ibibigay mo sa amin ang coverage?"
Hindi ko mapigilang mapangiti ng mahimigan ko ang tila natutuwa at di makapaniwalang tanong ni Harizel.
"Oo, naawa ako sa inyo e. Baka kulang din kayo sa notes kaya may nilagay din ako doon na summary ng midterm lectures natin, pero kay sir Geisler lang yon ha. Kilala kita, Harizel, tamad ka na nga magpaxerox, tamad ka pa magsulat. Kaya i-print niyo nalang yon."
He sexily laugh. "Mahal na mahal mo talaga ako, Ms. Custodial."
"Mahal mo mukha mo. Naaawa ako sa inyo."
"Sus. Umamin ka na. Mahal din naman kita."
Para akong nanigas sa sinabi niya. Hindi ako nagkakamali ng dinig pero sure akong hindi rin naman tama ang pakahulugan ko sa sinabi niya. Come on, Johana. Of course nagloloko lang ang lalaking yan.
Hindi porque sinabihan ka na mahal kita, ibig sabihin na non mahal ka talaga, minsan sinusubukan kalang para malaman niya kung gaano ka katanga.
Kahit na biglang lumikot ang puso ko sa sinabi ni Harizel ay ginawa ko ang makakaya ko para pakalmahin ito at umaktong wala lang sa akin ang sinabi niya, pagkatapos ay ipinadala ko na ang ms word ng ginawa kong coverage ng exam at yung summary ng lectures namin sa subject ni sir Geisler, kay sir lang naman kami naging magka-professor, we're not even classmate in any subject, 'tsaka bilang tutor ni Harizel...concerned lang naman ako sa kanya at gusto ko siyang matulungan, tutal kapag nakapasa naman siya ay exempted naman ako sa finals namin. Kumbaga, may benefits din akong makukuha.
"Napadala ko na sayo ha, print niyo nalang."
"Thank you, Johana. I owe you alot. Promise, babayaran kita after this hell week."
"Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Okay na sa'kin yung makapasa ka. Para naman maramdaman ko na nagbunga yung pagtuturo ko sayo, 'tsaka para ma-exempted ako sa finals natin. Pwede pa kitang turuan ulit sa finals niyo."
"I like that idea."
"Sige na i-print niyo na yung sinend ko."
Pagkatapos naming makapag-usap ni Harizel ay nasapo ng palad ko ang aking sentido. Kanina pa talaga masakit ang ulo ko at ang bigat-bigat nito. Halos wala ngang pumapasok sa isip ko habang nag-rereview ako kanina kaya nga naisip ko nalang na gumawa ng exam coverage para kanila Harizel.
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
General FictionMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...