Kabanata 35
Rainbow after the rain-----------
Ilang araw nalang at malapit na ang christmas vacation namin. Hindi narin ako pumasok sa school simula ng mag medication ako. Parati nalang akong nasa bahay namin, kung minsan ay nilalakad ko narin kasama si yaya ang ilang documents na dadalhin ko pagpunta ng U.S. Hindi kasi maasikaso ni mommy at daddy ang mga ito dahil busy sila. Weeks din kasi ang itatagal nila sa U.S para samahan ako doon for my operation kaya inaasikaso narin nila ang ilang bagay na kailangan nilang ayusin para hindi sila matambakan ng mga gagawin pagbalik nila.After lunch ay naisip ko namang magpunta sa West Adrenea University para kuhanin ang good moral at TOR ko. Nag-drop na kasi ako ngayong taon. Napag-usapan na kasi namin ng parents ko na pagkatapos kong sumailalim sa surgery, I'm going to stay in the U.S for good. I don't know how long pero doon na ako magtatapos ng pag-aaral. It's not their decision. It's mine. But I swear, babalik ako dito. I just want to clear my mind and my heart for all the bad things that is happening to me now.
Habang naglalakad ako papunta sa dean's office ay napadaan ako sa cafeteria. Hindi ko naiwasang mapatingin sa mga concrete benches na may mga tables sa labas ng cafeteria sa may gilid. Maraming estudyanteng nakatambay doon as usual. Pero iisang direksyon ang naging sentro ng mga paningin ko.
Ang direksyon kung saan naroon si Harizel at ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan silang lahat. Nakikita ko pa nga si Harizel na may akbay-akbay na babae habang tawa ito ng tawa. Tatlong babae ang kasama nila, kandong ni Wein yung isa at yung isa naman ay napapagitnaan ni Humpy at Neil kaya hindi ko alam kung sino sa dalawa ang ka-fling ng babae.
All I know is...I can feel the pain. See. Ang saya-saya na ni Harizel at nagagawa narin niyang makipaglandian sa ibang babae. Iyan ba ang sinasabi niyang mahal niya ako at hindi niya ako pinaglaruan? Kalokohan. Kalokohan lang talaga ang lahat ng sinabi niya. Pero bakit ganito? Bakit kahit sinaktan niya ako, nararamdaman ko parin sa puso ko na mahal ko parin siya.
Why I'm still loving someone that killing me slowly killing me?
Bago ko tuluyang alisin ang paningin ko sa kanya ay lumingon siya at nagtama ang mga mata naming dalawa. Dumagundong ng mabilis ang puso ko habang siya naman ay nawala ang mga ngiti sa kanyang labi. Malamig ang mga tingin niya sa akin. Saglit lang ay itinuon niya ng muli ang paningin niya sa mga kaibigan niya na para bang hindi niya ako nakita.
Masakit sa pakiramdam na yung dating lalaking kung tingnan ako noon ay para bang ako ang pinakamagandang bagay na nakikita niya, ngayon parang wala nalang ako sa kanya. Isang bagay na pinagsawaan na niyang makita.
Bakit ganito? Ako naman 'tong may gustong lumayo siya sa akin, ako naman yung bumitaw, pero bakit ako yung nasasaktan? I'm not supposed to feel this, but her it is...ramdam na ramdam ko ang sakit. Sagad na sagad hanggang kaluluwa ko.
I made this choice not to be happy or because this is really what I want. I made this choice because I think it's for the better, not for myself but for the one that I know I'll never be better without him.
Binilisan ko na lang ang paglalakad at mabilis na nilampasan sila Harizel.
Pinakawalan niya na nga talaga ako. Ginawa niya ang gusto ko. Dapat masaya ako, pero mas lalo akong nasasaktan dahil sa katotohanan na isinuko niya agad ako.
Hindi na ako nagtagal sa school. Pagkakuha ko ng good moral ko at TOR ay umalis na agad ako at bumalik ng bahay.
Habang nagkukulong ako sa kwarto ko. Bumabalik sa ala-ala ko lahat. Lahat ng masasayang memories na kasama ko si Harizel. I miss his smile, his scent, his eyes that always shine on me and his soft lips.
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
Fiksi UmumMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...