Kabanata 17

13.5K 307 16
                                    

Kabanata 17
Kailan

-----------
Abala ako sa paghahanap ng libro dito sa library para sa gagawin kong thesis tungkol sa World History and economics. We have a huge library kaya hirap akong hanapin ang librong makakatulong sa akin. Halos makarating na ako sa kadulo-duluhang bahagi nitong library but still, no where to be found ang librong hinahanap ko.

"There you are."

Napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na'yon. Nangunot ang noo ko ng makita ko si Harizel na nakatukod ang siko sa dulo ng bookshelf na nasa likuran ko, sapo ng kamay niya ang kanyang ulo at seryoso siyang nakatingin sa akin.

Pinilit kong wag pansinin ang presensya niya at ibinalik ang atensyon ko sa paghahanap ng libro. Nakakainis! Dati ang bilis-bilis ko lang makita ng librong yon, ngayon nahihirapan na akong hanapin. Kapag talaga kailangang-kailangan mo ang isang bagay 'tsaka ka naman pinahihirapang maghanap, pero pag di mo kailangan, kahit saan mo nalang nakikita.

"Ilang beses kitang tinatawagan at tinitext hindi mo naman sinasagot." Bakas sa tono ng boses ni Harizel na tila naiinis ito. Naririnig ko pa ang mga yabag niya na papalapit sa akin.

"Nasa bag ko ang cellphone ko at naka silent yon dahil nandito ako sa library. I don't use phone when I'm here, Harizel. I separate my social life and my study whenever I go there." paliwanag ko sa kanya ng hindi ko siya tinitignan at nakatuon lang ang pansin ko sa mga libro habang nakaturo ang hintuturo ko sa mga ito.

"Pero diba sinabi ko sayo kanina na mag-uusap tayo? May itatanong ako sayo, Johana."

"Go on. Ask me now. I'll listen."

"No. I need you to focus" Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at pinaharap niya ako sa kanya, at saka niya ako isinandal sa bookshelf. Inilagay ni Harizel ang magkabila niyang kamay sa magkabila kong gilid at itinukod niya ang mga yon sa bookshelf.

Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil presensya palang niya nagwawala na ang sistema ko, tignan ko pa kaya siya.

"Look at me." baritono nyang utos sa akin. May kung hatid na kakaibang kilabot ang boses niya.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at kasabay ng mabilis at nakakabinging dagundong ng puso ko ay ang panlalambot ng mga tuhod ko. Nakakapanghina ang pamamarahan ng pagtitig sa akin ni Harizel. His pair of almond and sunken eyes are like a kryptonite. Nauubos ang lakas ko sa mga titig niya.

"First, bakit mababa ang nakuha mong score kay Sir Geisler? What happened? Please tell me, I'm worried." Ang mga mata ni Harizel na matapang na nakatingin sa akin kanina ay napuno ng panunuyo at pagsusumamo.

"Nilagnat ako. I've been sick for three days. Hindi ako makapag review ng maayos kasi walang pumapasok sa isip ko."

"What? Why you didn't tell me? Jona, tinatawagan kita non. Everytime na mag be-break kami sa pagrereview, ikaw ang parati kong tinatawagan...tapos sinasabi mong okay kalang? yun pala hindi naman." Sa tono ng boses niya ay para bang pag-aari niya ako na dapat alam niya ang mga nangyayari sa akin. Tumiim ang bagang niya at napapikit siya.

Nagsinungaling nga ako kay Harizel. Sa loob ng tatlong araw na nagkasakit ako, ilang beses niya akong tinatawagan, nagkukwento siya tungkol sa mga kalokohang ginagawa ng mga kaibigan niya at kapag tatanungin niya ako kung kamusta ang pagre-review ko ay sinasabi kong okay naman, though wala talaga akong ma-review ng mga oras at araw na yon dahil walang gana ang isip ko na tumanggap ng mga salitang hindi naman nagagamit sa araw-araw na ginawa ng diyos.

"Ano naman ba sayo kung sabihin kong may sakit ako non?" nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Of course pupuntahan kita. Dadalawin, dadalhan ng apples."

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon