Kabanata 41

12.6K 293 17
                                    

Kabanata 41
Nasaktan

-----------
Nagpatianod ako sa panghihila sa akin ni Harizel hanggang sa makarating kami sa bahagi ng orphanage na maraming mga halaman at bulaklak, may malaking puno rin dito at may ilang concrete bench na may puting pintura.

Huminto kami sa tapat ng isang malaking puno na may mga bulaklak ng bugambilia at napayuko ako. Hindi ko kayang tignan si Harizel, mas lalo kasing nag-aalburuto ang dibdib ko at kahit nga hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang pares ng mga mata niyang nakatingin sa akin, na para bang bumabaon ang mga iyon sa kailaliman ng pagkatao ko.

Nilaro-laro ko ang mga daliri ko habang nakayuko.

Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga. "Sa dami ng gusto kong sabihin sayo, hindi ko alam kung saan ako magsisimula." aniya. Muli kong narinig ang pagbuntong hininga niya.

"Kung hindi mo pa alam kung ano ang sasabihin mo, then why don't we talk in some other time." Malamig ko namang sabi sa kanya kasabay ng mabilis kong pagtalikod para iwan siya, pero pahakbang palang ako ng hawakan niya ako sa pulsuhan ko at hinarap sa kanya.

"Ganyan nalang ba lagi ang gagawin mo? Tatalikuran ako at bigla nalang akong iiwan? Bakit ba ang tigas-tigas mo, Jona? Galit ka parin ba sa akin, huh?" May pait niyang tanong. "Tell me! After five years, manloloko parin ba ang turing mo sa'kin?" Mataas na ang boses na tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin at lakas loob na nakipagtagpo ang mga mata ko sa mga mata niya. Unti-unting nanghina ang mga tuhod ko sa tingin niya, but I manage to stand.

"Oo galit ako sa ginawa mo pero noon yon. Kinalimutan ko na ang lahat ng sakit na binigay mo sa akin. Binura ko na ang galit sa puso ko. Dahil kung hindi ko gagawin yon, hindi ako makakaahon sa pagdurusa. Ngayon, masaya na'ko. Masaya ka na rin. Nakikita ko yon, masaya ako dahil may sarili ka ng pamilya kaya kalimutan na natin lahat, Harizel. Okay na. Napatawad na kita." Mapait akong ngumiti sa kanya. Nakita kong tumiim naman ang kanyang bagang at nagtaas ang isa niyang kilay.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" aniya habang titig na titig siya sa akin. "Saan mo ba nakuha ang balitang may pamilya na'ko? Kukuha ka nalang ng impormasyon tungkol sa'kin. Mali-mali pa." Naiinis niyang sabi.

Napaawang naman ang bibig ko. "W-What do you mean?" At napalunok ako.

"You've got it all wrong. I'm not yet married. I don't have a fvcking wife at wala pa akong anak." Matigas niyang sabi.

"P-Pero sino yung batang lalaki na kasama mo ngayon? Yung babaeng kasama mo sa bar?"

"Anak si Hance ng kuya ni Aika. Pamangkin ni Aika ang batang yon. You remember her right? Malapit lang talaga sa akin si Hance kaya parati siyang sumasama sa'kin, umiiyak pag hindi ko sinama kaya wala akong choice. Ayoko ng batang umiiyak naaalibadbaran ako at...basta ayoko ng batang umiiyak." Hinilamos niya ang mga kamay niya sa kanyang mukha. "That girl you saw with me at the club. She's..." Nasa himig niya na tila ba nagdadalawang isip siya sa sasabihin niya. "...I don't know. All I know is...we don't have any label."

So fling niya lang ang babaeng yon? Pero ano ang ibig sabihin nun ng narinig ko na sinabi niya sa babaeng yon, nung hinalikan niya ito at sinaway naman siya nito na baka may makakita sa kanila?

I can still remember what he said. 'Ano naman kung may makakita? It's natural because...you are mine.'

"But I heard you." Wala sa sariling naibulalas ko.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon