*WAKAS*

23.5K 567 97
                                    


Maraming salamat sa lahat ng sumoporta sa Ten things to get me. This is it. No book 2.
Sa mga matyagang readers na naghihintay lagi ng update, sa mga commentors, likers. Salamat. Isa na namang HBB stories ang natapos. Wait for the rest of them but I'll post it on my page kung kailan ko sila sisimulang gawin, kaya sa mga gustong maka update sa iba ko pang stories. Like my facebook page. 'Levelion Stories' and again...Thank you.

----------
*WAKAS*

"Beautiful, gising na. Malelate ka na naman."

Naramdam ko ang maliliit na halik ni Harizel mula sa pisngi ko pababa sa leeg ko.

"Harizel, stop that!" Stop it dahil baka lalo akong hindi bumangon dito sa kama.

"Bangon na. Ako na ang gumawa ng breakfast. Mabuti nalang nakagising ako ng maaga. Hindi ka ba nakakatulog ng maaga? Sabay naman tayong natutulog diba? Bakit lagi kang tamad na tamad bumangon?"

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nag-unat.

"I don't know. Siguro kasi ang sarap matulog dito sa kwarto mo dahil bukod sa malambot na malambot yung kama mo, katabi pa kita."

Nginitian ako ni Harizel at hinalikan niya ako sa labi ko. Naitikom ko naman ang bibig ko.

"Why?"

"Brad Breath pa'ko." Nag-pout ako sa kanya at narinig ko naman ang nakakaakit niyang pagtawa.

"Hindi naman e." aniya.

Nagulat ako at tuluyan ng nagising ang diwa ko ng bigla ay pumatong sa ibabaw ko si Harizel. Itinukod niya ang magkabila niyang kamay sa magkabilang gilid ko.

"Harizel, babangon na'ko. Kung ano na namang kamanyakan ang binabalak mo, ipagpaliban mo na yan." Itinukod ko ang mga palad ko sa dibdib niya at itinutulak siya palayo.

"Jona, ang green mo na. mag e- exercise lang ako, baby. Sa ibabaw mo." Nakangisi niyang sabi.

"Exercise? Anong klaseng exercise ba'yan at kailangan sa ibabaw ko pa?"

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay nagsimula siyang mag push-up. Napangiti ako sa lakas ng trip nitong fiancé ko.

"Harizel, ano na namang pauso mo?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Matagal na 'tong nauso, baby." Sabay halik niya sa labi ko. Smack lang.

"Count to ten, beautiful."

Nagbilang ako ng sampu at saka siya huminto sa pagpu-push up sa ibabaw ko. Weird talaga minsan 'tong si Harizel e. Kung anu-anong kalokohan ang tumatakbo sa utak.

Pagkatapos naming kumain ay sabay narin kaming naligo. Nagmamadali na kaming pareho kaya walang nangyari.


Habang nagbibihis ako ng uniform ko ay patapos na si Harizel sa pagbibihis niya. Isinusuot ko ang stockings ko ng magpabango si Harizel.

The hell!

Napabahing ako ng tila masinghot ko yata ang lahat ng amoy non. Ang sakit sa ilong!

"Harizel! Bakit ganyan ang pabango mo?" Singhal ko sa kanya.

"Huh? Why? What's wrong with my perfume?"

"Nagpalit ka ba ng pabango mo?"

"Hindi"

"Bakit  nakakasuka yung amoy?" Tumayo ako sa kinauupuan kong armchair at lumapit ako sa kanya. Kinuha ko yung pabangong hawak niya. Iyon pa nga rin yon pero ng ilapit ko ang ilong ko sa pinakabutas ng perfume bottle ay nabahing ako ulit at tila umikot ang sikmura ko kaya nilapag ko agad ito at nasapo ko ng palad ko ang bibig ko dahil para akong maduduwal.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon