Kabanata 4
Hopeless----------
"Wala yon, Okay? Siya ang humalik sa akin and I swear sa pisngi lang yon." Paliwanag ko sa mga kaibigan kong tila naghihimutok na sa akin habang tinitignan nila ako ng masama."Bakit ka niya hinalikan sa pisngi?" Tanong ni Hannah habang nakataas ang isa niyang kilay.
"Nanantsing lang yon."
"Bakit hindi ka umiwas?" tanong naman ni Ericka.
"Umiwas ako. Sadyang mabilis lang talaga ang isang yon. Guys, that's nothing." ipinaikot ko ang eyeballs ko.
Gusto kong sakalin si Harizel dahil sa pagsasabi niya sa mga kaibigan ko ng ginawa niyang panghahalik sa akin. Hindi ko na nga binanggit sa kanila yon dahil siguradong kukulitin nila ako, at eto na nga. Kinukulit na naman nila ako.
Hanggang sa makarating kami sa classroom namin ay hindi parin sila matigil sa pangungulit sa akin at pilit akong pinapaamin kung ano pa daw ba ang mga hindi ko sinasabing nangyari kahapon nung tinuturuan ko si Harizel and thank God, bago dumating ang professor namin ay nagsitigil din sa pangungulit ang mga ito.
Dahan-dahan kong dinukot ang cellphone ko sa pantalon ko ng maramdaman kong nag vibrate ito. Abala sa paglelecture ang professor namin ngayon at Mula sa ilalim ng desk ko ay tinignan ko ang nagtext sa akin. Napakunot ang noo ko ng rumehistro sa paningin ko ang pangalan ni Harizel.
Binuksan ko naman ang kanyang message.
Harizel:
Remember, hihintayin kita.
Hindi ko na siya ni-replayan. Tinext ko nalang si manong Solomon na hindi ako magpapasundo sa kanya dahil may kasabay akong umuwi.
Paglabas pa lang namin ng building nina Ericka, Hannah at Kirsten ay agad ng bumungad sa amin si Harizel kasama ang kanyang mga kaibigang si Daren at Neil at abala sila sa pangunguha ng arateris. Umaakyat na nga sa puno si Daren kahit na ang laki-laki ng sign board na bawal umakyat sa puno. Saan ba napunta ang utak ng magkakaibigang 'to?
Napabuntong hininga nalang ako at napailing-iling at saka napa-cross arms.
"You are so lucky, Jona!" Dinig kong sabi ni Kirsten mula sa likuran ko. Hindi ko naman siya pinansin, sawa na ako sa kakasabi niya nun.
"Una na kami. Magkwento ka ha!" paalam naman ni Hannah. Tinapik niya pa ako sa balikat kaya napatango nalang ako.
Habang naglalakad palayo ang mga kaibigan ko. Ako naman ay naglakad na palapit kanila Harizel.
Ilang hakbang nalang ako ng sa wakas ay mapansin niya ako.
"Oh! You're here." nakangiti niyang sabi. Napatingin naman sa akin si Neil at ang bumababa sa punong si Daren.
Napataas ang isa kong kilay kay Daren.
"Hindi mo ba nabasa yung nakasulat sa sign board? Bawal umakyat sa puno."
Lumingan silang tatlo sa sign board na nakasabit sa puno at ngingisi-ngising inilagay ni Daren ang kamay niya sa kanyang batok.
"Mga dude, kilala niyo na si Jona, right?"
"Yeah. " magkasabay na sagot ni Daren at Neil.
"We gotta go dude, don't forget later." ani Neil.
"Oo na."
Pag-alis ng mga kaibigan ni Harizel ay inaya ko na siyang umuwi.
"Ladies first." iminuwestra niya ang kanyang kamay para paunahin ako.
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
Genel KurguMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...