Kabanata 18

13.2K 307 29
                                    

Kabanata 18
After Party

----------
Napapalakpak ako sa tuwa at napatayo sa kinauupuan ko ng tumunog na ang time buzzer. Panalo ang Fireballs sa kanilang huling laro laban sa Smokin Aces. Sa gitna ng gymnasium ay tuwang-tuwa rin ang lahat ng members ng Fireballs, binuhat pa nga nila si Aries at ang ilang members na nakagawa ng maraming puntos.

Nakita ko ang pagtingin ni Harizel sa direksyon namin ng mga kaibigan ko at nagpalipad siya ng halik sa hangin at saka ako kinawayan, kunwari pa ngang nasalo ni Hannah ang halik sa hangin ni Harizel para sa akin at mahinang itinapik ni Hannah sa pisngi ko ang palad niya.


"Hey my beautiful, Johana." ani Harizel ng makalapit ako sa kanya. Nagpupunas siya ng pawis sa mukha niya at saka niya tinungga ang gatorade na kulay pula. Ang mga kaibigan ko naman ay busy sa pagkuha ng pictures gamit ang cellphone nila.


"Kuya!"

Sabay kaming napalingon ni Harizel sa paparating na si Hazel.

"Sabi ni Daren may after party daw?" tanong nito kay Harizel ng makalapit ito sa kanya.

"Oo. Pupunta ka?"

"Of course." Nakangiti nitong sabi kasabay ng pagtaas nito ng isang kilay.


"By the way, Hazel." Namilog ang mga mata ko sa gulat ng bigla akong inakbayan ni Harizel.

Pinandilatan ko siya at binigyan ng makahulugang tingin. Hindi niya pwedeng sabihin kay Hazel na nililigawan niya ko. Pinagkasunduan na namin na walang ibang makakaalam ng panliligaw niya sa akin bukod sa parents ko at sa tatlo kong kaibigan.

"Siya nga pala si Jona, yung tutor ko."

"Oh! I've heard a lot about you. I'm Hazel." Nakangiting inabot sa akin ni Hazel ang kamay niya na mabilis ko namang tinanggap para makipag kamay.

Nakakamangha ang ganda ni Hazel. Tulad ni Harizel ay almond din ang shape ng mga mata niya na may mahahabang lashes. Ang mata ni Harizel ang pinakapaborito kong parte ng mukha niya at pinapangarap ko rin na magkaroon ng matang katulad niya, kaya naiinggit ako kay Hazel dahil katulad ng mga mata ni Harizel ang mga mata niya. No wonder na magkapatid nga sila. Matangkad din si Hazel at maputi, babaeng-babae kung manamit siya at napakaganda ng korte ng katawan niya na humahapit sa kanyang suot na fitted blouse at maiksing denim shorts. Overall, she's gorgeous.

"Kuya wait lang ha, puntahan ko muna si Troy."

"Go ahead. Siguradong naglalaway na'yon sa katitingin ng magagandang chics dito." Tila nang-aasar na sabi ni Harizel habang mapang-asar siyang nakangisi kay Hazel. Kitang-kita naman ang pagsama ng tingin nito sa kuya niya at pagkatapos ay bigla niya itong hinampas sa braso.

"I hate you!" Singhal nito kay Harizel.

"I love you too my baby sister." tatawa-tawang tugon naman ni Harizel.





"Ang sweet niyo." anas ko kay Harizel ng makaalis na si Hazel.

"Sweet kami? Talaga? Sweet ba yung lagi akong hinahampas, kinukurot, sinasabunutan pa kaya ako nun. Mapanakit ang kapatid kong yon. Nasaan ang kasweetan dun? Sa mga pasang nakukuha ko?"

Kumunot ang noo ko. "Wag ka ngang magdrama dyan di bagay sayo. Kaya ka sinasaktan ng kapatid mo. Inaasar mo kasi, tama bang sinisiraan mo ang boyfriend niya?"

Tumawa siya. "Ayoko kasi na masyado siyang kumpyansa sa boyfriend niya. Mahirap yung masyado mong pinagkakatiwalaan yung tao kasi pag nasira yung tiwalang yon, sira din pati yang puso mo. Wasak kung wasak."

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon