Kabanata 24

13K 257 7
                                    

Kabanata 24
Lumayo

SPG! Alert. Lengwahe/Sexual
-----------
"Hello dad? Pauwi na po ako. Po? S-Sige po."

Sabi na nga ba, lahat ng magandang nangyayari, may kasunod agad na hindi maganda. Hindi sa lahat ng oras magiging masaya ka.

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Harizel kagabi na hindi ko naman pinagsisisihan dahil ginusto ko at naging masaya naman ako, ngayon naman ay kailan kong suungin ang galit ni daddy.

"Harizel, my dad wants to talk to me in his office, pwede mo ba akong dalhin sa ortigas?"

"Of course." Kasunod ng matamis niyang pag ngiti sa akin.

Parang walang bakas ng malakas na ulan kagabi ang buong paligid ngayon. Maganda ang sikat ng araw, tuyong-tuyo ang kalsada at marami na naman ang nagmamadali para pumasok sa trabaho, may mga estudyante rin na may pasok ngayon kahit sabado. Mabuti nalang at wala kaming pasok ngayon.

Sinabi ko kay Harizel kung saan banda yung building nila daddy at hininto niya ang kotse niya mismo sa harap non.


"Thank you. Sige, umuwi ka na."

"No. Hintayin kita. Kakain pa tayo ng breakfast, remember?" nakangiti niyang sabi. Kanina ko pa siya nakikitang nakangiti simula ng gumising ako at ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko siyang masaya.

"Okay sige. Text nalang kita kung matatagalan ako para kung naiinip ka na, pwede ka ng-"

"Jona. I'll wait for you no matter what. Park ko 'tong kotse sa gilid. Hintayin kita dito."

Napabuntong-hininga nalang ako at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan niya, pero papalabas na ako ng bigla niyang hilain ang kamay ko, ng lingunin ko siya ay sinalubong niya ang mukha ko at dumampi ang labi ko sa labi niya. Hinawakan niya ang baba ko dahilan para mas dumiin pa ang iginagawad niyang halik sa akin.

"Delectable." nakangising sabi niya ng maghiwalay ang mga labi namin. Nginitian ko naman siya at saka ako tuluyan ng lumabas ng kotse niya ng may ngiti sa labi, pakiramdam ko ay nabawasan ang kaba ko dahil sa halik na yon ni Harizel.





"Good morning." Bati ko sa secretary ni daddy.

Nginitian ako nito at mabilis na napatayo sa kinauupuan niya. "Good morning din po ma'am, Johana."

"Where's dad? Pinapupunta niya kasi ako dito."

"Ah, nasa office niya po ma'am. Pasok nalang po kayo."

Tumango ako dito at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng office ni daddy. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at may kung anong binabasang papers at ng maramdaman niya siguro ang presensya ko ay nag-angat siya ng ulo at isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.

Napalunok ako at muling binalot ng kaba dahil sa tingin na yon ni daddy. Kilala ko siya, alam ko ang mga tingin niyang yan.

"Have a sit, Johana." kalmadong alok ni daddy sa akin pero may diin at bigat ang pagkakasabi niya non.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuang nasa harap ng desk ni daddy. Dalawang upuan ang nasa magkabilang side ng desk niya at naupo ako sa left armchair.

Itinabi ni daddy ang mga papeles na binabasa niya kanina at ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay.


"Sinong kasama mo kagabi?" Iyon agad ang bungad niyang tanong sa akin.

"P-Po?"

"Hindi ka na ba nakakaintindi ng tagalog ngayon, Johana? Ang linaw-linaw ng tanong ko diba?"

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon