Kabanata 28

13K 248 6
                                    

Kabanata 28
Ingat

----------
Paglapit sa akin ni Harizel ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko, hindi ako halos makagalaw at ang plano ko sanang pagtulong sa mga kasama ko ay hindi ko na nagawa.

"Volunteer ka rin pala rito?" Tanong sa akin ni Harizel paglapit niya. Ang ganda pa nga ng ngiti niya sa akin.

"Oo. Hindi ko alam na ikaw rin pala?"

"Inalok kasi ako ng isa sa mga ka-teammate ko, nakwento ko kasi sa kanya na gusto kong ma involve sa isang feeding or charity program kasi gusto kong maranasan kung paano magpasaya ng maraming bata."

"Diba nagawa mo na'yon? Nung nasa luneta tayo."

"Well, naikwento ko kasi yon sa ka-teammate ko, bago mangyari yung sa luneta. Yung nangyari don, that's really a great experience kaya nga nung tinawagan ako ng ka-teammate ko kagabi at sinabing may feeding program dito ngayon, kasi naalala niya daw ako...ayun at hindi na ako nagdalawang isip. Gusto ko ulit magkaroon ng experience and this time," dumako ang paningin niya sa mga bata na nasa gitna ng court at masayang hinihintay ang pagkain. "Mukhang marami akong batang mapapasaya."

"Sinabi mo pa."

"Harizel!"

Napalingon kami sa lalaking tumawag kay Harizel.

"Brad, pabuhat naman ng isang cooler. May mga lamang ice cube yon." anito habang may buhat buhat din itong pulang cooler at nakapatong sa ibabaw nito ang mga nakakahon na orange juice.

Tinanguan ito ni Harizel at saka siya nagpaalam na sa akin na kukunin niya nga daw muna yung cooler. Ako naman ay tumakbo na sa unahan para tulungang mamigay ng mga pagkaing naka styrofoam ang mga bata.

"Anong ginagawa ni Harizel dito? At kung makaporma naman si McKinley, akala mo mag pa-fashion show." Nakangiting sabi ni Hannah habang isa-isa naming binibigyan ng pagkain ang mga bata.

"Inaya daw kasi siya ng ka-teammate niya na mahilig din yata sumali sa mga ganitong program. Naikwento ko ba sayo na binilhan ni Harizel ng ice cream yung ilang bata dun sa luneta nung nagpunta kami?"

"Oo naikwento mo nga. Kinikilig nga ako nung ikinuwento mo yun kasi biglang pumasok sa isip ko na, siguro magiging mabuting daddy si Harizel pag nagkaanak siya, kasi mukhang mahilig siya sa mga bata, kaya syempre...mahilig din gumawa ng bata yan, tapos ibibili niya rin ng ice cream yung magiging anak niya, tapos aanakan niya ako ng maraming-maram--ouch!"

Binatukan ko nga. Maaga pa pero nananaginip na siya ng gising.

"Bakit ka ba nambabatok?" Tanong ni Hannah habang hinihimas niya ang tuktok ng ulo niyang binatukan ko. "Nagselos ka naman agad. Sige na, ikaw na! Ikaw na ang aanakan ni Harizel ng maraming-mara--aray naman!"

Kinurot ko naman siya ng pino sa braso niya. Kung anu-ano kasing pinagsasasabi.

"Nakakarami ka na!" Reklamo niya.

"Ikaw kasi. Kung anu-anong pumapasok dyan sa utak mo. Mabuti pa, bigyan mo narin ng maiinom yung mga bata. Look at them, mga ganado sa pagkain, baka mabilaukan ang mga yan."

"Oo na."

Napangiti nalang ako habang tinitignan kong naglalakad si Hannah papunta sa harapan kung saan naroon ang mga inumin, pagkain at mga goods na ipamimigay namin sa mga bata mamaya.

"Kain lang ng kain." Hinaplos ko ang ulo ng isang batang babae na may pagkasingkit ang mga mata. Apple cut ang buhok niya at mataba ang pisngi niya. She's so cute. 

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon