Kabanata 32
Scratch
-----------
"Happy birthday ulit." Bati na naman sa akin ni Harizel habang narito na kami sa tapat ng gate ng bahay namin.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan niya ako sa noo. "I'll see you tomorrow."
Pikit mata akong tumango sa kanya at saka ako dumilat. "Harizel, salamat talaga sa surpresa mo. Ito na siguro yung pinaka hindi ko makakalimutang birthday ko."
"I will always makes your birthday memorable. Basta hindi ka makikipag-break sa'kin." aniya habang itinataas-taas niya ang kanyang isang kilay.
Napanguso naman ako. "Hmm...dipende kung hindi mo ko lolokohin."
"Hinding-hindi." nakangiti niyang sabi. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon, Jona. Pakiramdam ko, birthday ko rin at ang maging akin ka ang pangarap kong tinupad mo. Worth it ang lahat ng ginawa ko para sayo...because having you is really worth it."
Hinaplos ko naman ang pisngi niya. "And I'm glad I met you, na hinayaan ko ang sarili ko na papasukin ka sa puso ko. Kahit na noon, ang sama-sama ng tingin sayo."
"Thank you. So, sasabihin ko na sa mga kaibigan ko na tayo na?"
"No. Wag muna."
Ewan ko kung bakit ayoko pang sabihin ni Harizel sa mga kaibigan niya ang tungkol sa amin, siguro dahil mabilis ang balita. Gusto kong maging normal lang ang lahat bukas, ayokong maglakad sa campus na may mga matang nakatingin sa akin na lihim akong pinapatay sa isip nila. For sure na marami akong magiging hater pag nalaman nilang boyfriend ng isang tulad ko si Harizel at ayokong ipanganak nila ang pagkamuhi nila sa akin, sa araw ng birthday ko.
"Can you just told them about us, after my birthday?" iyon nalang ang sinabi ko kay Harizel.
"O-Okay. If that's what you want." at saka niya ako nginitian.
"O siya, umuwi ka na at gabing-gabi na."
"Kiss muna." Pumikit siya at nginuso ang kanyang pouty lips.
Napangiti naman ako at saka ko siya mabilis na hinalikan.
"Goodnight, Mr. McKinley."
Idinilat ni Harizel ang mga mata niya at masuyo niya akong pinakatitigan. "I love you, Ms. Custodial."
"I love you too."
Ala-una pasado na kaya siguradong tulog na ang lahat. Pagpasok ko ng bahay namin ay dilim ang sumalubong sa akin, may kakaunting liwanag naman na galing sa ilaw na nasa veranda at tumatama sa bintana.
Paakyat na ako sa hagdan ng biglang bumukas ang ilaw.
"Happy Birthday!"
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si daddy na may hawak na cake at nasa magkabilang gilid niya si mommy at yaya Weng. They are all wearing party hats.
Napatakip ako ng bibig ko at dahan-dahang lumapit sa kanila. Umulan ng confetti dahil sa hawak na confetti popper ni mommy.
"Akala ko po...tulog na kayo."
"Of course hindi namin tutulugan ang birthday girl without greeting her before she go to sleep, kung hindi man kami ang unang bumati sayo, hindi naman namin hahayaang kami ang huli." ani daddy na tinanguan ni mommy at yaya.
"Blow your candle na, Johana. Pinagtulungan naming i-bake ni yaya Weng yan." sabi naman ni mommy.
"Don't forget to make a wish, Johana." sabi naman ni dad.
BINABASA MO ANG
Ten Things To Get Me (HBB #3)
General FictionMaraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga ang mga signs, hula at list. Masarap mangarap na may isang taong gagawin ang lahat makuha ka lang niya...