Kabanata 5

13.7K 321 9
                                    

Kabanata 5
Happy

----------
Umiiyak akong napahawak sa dibdib ko. Naninikip na naman ito and this time I don't like it. Hindi ito katulad ng naramdaman ko kanina habang nakatitig ako kay Harizel at nilalamon ng presensya niya ang sistema ko. Kasi ngayon, pakiramdam ko ay may bumabaong sakit sa kaloob-looban ko. It's like an invisible sharp object that piercing deep through my fragile body. I'm hurt again and getting emotional as always. Ganito naman talaga ako pag nasasagad.

"Johana, okay ka lang? Gusto mong tubig?" Pag-aalala sa akin ni yaya Weng ng makita niya yatang napapikit ako at napatingala habang hinahagod ko ang dibdib ko.

Tumango lang ako sa tanong ni yaya at patakbo na siyang pumunta sa kusina.

Napaupo naman ako sa hagdan at naihilamos ko ang mga kamay ko tsaka dahan-dahang ipinahagod yon pataas sa ulo ko.

"Hija, eto tubig o." Inabot ko ang isang baso ng tubig na binigay ni yaya at ng maubos ko yon ay napapikit ako at napahinga ng malalim.

"Sumasakit ba ang puso mo, Johana? Sabihin mo sa'kin."

"Okay lang po ako. Okay na po ako. Akyat po muna ko yaya."

"Sigurado ka ha? Gusto mo bang inumin yung gamot mo-"

"I'm fine yaya. No need to worry. I'm perfectly fine."

"Johana, pag may nararamdaman ka sasabihin mo sa'kin ha?"

Hilaw kong nginitian si yaya. "Opo."

Buti pa si yaya Weng nag-aalala sa'kin. Oo at wala ang parents ko ngayon dito but I don't think na may ipapakita silang pag-aalala sa akin kung sila ang kasama ko ngayon.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa unang baitang ng hagdan at dahan-dahang umakyat sa itaas. Nanatili namang nakatingin sa akin si yaya dahil kahit nakatalikod siya ay ramdam ko parin ang mga tingin niyang puno ng pag-aalala.

Twelve years ago, nadiagnose ako na may cardiovascular disease o sakit sa puso. Maraming klase ng sakit sa puso and I got the congenital heart disease. It's a type of heart disease na nakukuha pagkapanganak pa lang, hindi agad nila nakita iyon ng ipanganak ako hanggang sa nag seven years old ako at doon na nila nalaman. Malapit na akong mag birthday nun, nag-away kami ni ate. Hindi ko alam kung bakit, away bata lang naman. Iyak ako ng iyak nun na sa bawat pag bulahaw ko ng malakas na iyak ay para bang hinihigop ang hininga ko at pinipiga ang dibdib ko.

Ang sabi ni mommy nangingitim na daw ako nun at halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko. Iba rin daw ang paghinga ko, masyado daw mabigat yon na para bang inaabot ko pa yon. Hindi ko na matandaan ang unang beses na inatake ako ng sakit ko.

Simula non may kung anu-anong gamot na akong iniinom at tumigil din ako four years ago. Pakiramdam ko naman kasi okay na ako. Pero ng dahil sa pagkamatay ni ate, I suffered depression and stress, sumobra kaya sinumpong ako, at doon ko na nalaman na delikado pala talaga ang sakit ko. Pakiramdam ko nun, mamamatay narin ako kasi hirap na hirap akong huminga, pinipiga ang puso ko at sa bawat pagpintig non, kasabay non ay ang tila pagtusok ng maliliit na karayom sa puso ko. Masakit, pinagpapawisan ako ng malamig. Isang buwan lang akong nag medication. Hindi rin naman nagtatanong si mommy at daddy sa kundisyon ko, para ngang pati ang kahinaan ng katawan ko, nakalimutan narin nila at natabunan ng pagdadalamhati nila sa pagkawala ni ate.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon