Kabanata 12

12.1K 278 10
                                    

Kabanata 12
Nightlife

-----------
Pag-uwi ko ng bahay ay lutang na lutang parin ako. Ayokong mainis kay Harizel na nakikipaglandian siya sa ibang babae dahil unang-una, wala naman akong karapatan. Kaso hindi ko mapigilan e. I have feeling at hanggat may nararamdaman ako may possibility talagang makaramdam ako ng inis.

Tsaka kahit sabihin ko namang hindi ako umaasa sa kanya, deep inside I have hopes na kahit ten percent lang yata ay iyon pa ang mas nananaig sa akin.

Ganito naman ako e. I made indistinct thoughts bigger than the doubtless reality. Mas pinaniniwalaan ko ang maliit na bagay, kasi yun yung gusto kong mangyari.

Napabuga nalang ako ng malalim na hininga at inilabas ang notes ko. Ipinatong ko ang mga yon sa gilid ng study table at naupo ako sa swivel chair at saka binuksan ang laptop ko para mag-research.

Hindi ko pa natatapos itipa ang ire-research ko ay napapatigil na ako. I can fvcking concentrate. My mind is filled with thoughts of him at ito ang unang beses na may lalaking gumulo sa pag-iisip ko. Hinugot ko ang cellphone kong nasa bulsa, ilang text ni Harizel ang nakita ko roon at kahit isa doon ay hindi ko inabala ang sarili kong basahin.

Baka mamaya banatan na naman niya ako ng mga salita niyang nakakapanglinlang, baka lalo lang akong mahulog at mapaniwala sa kanya.

Inilapag ko ang cellphone ko sa left side ng study table ko at nagbukas ng FB account.

I was scrolling my newsfeed, puro selfie ang nakikita ko. Nakakasawa.

Ang saya-saya nila sa pictures. Karamihan sa mga kaibigan ko rito sa FB ay mga kamag-anak ko kaya hindi ko maiwasang mainggit sa mga pictures nila. Ang saya-saya kasi nilang naghahang-out, family bonding sa kung saan-saang lugar. Habang ako, parating nasa bahay at parati namang nasa trabaho ang mga magulang ko. Wala silang oras para sa family day o kung ano pa man.

Nag scroll pa ako ng nag scroll hanggang sa makita ko ang isang status post ni Harizel na ni-like ng mga kaibigan ko.

I don't know

That's his status.

Napakunot ang noo ko. Naalala ko yung mga nangyari kagabi. Is this status connected to us? Maybe yes, maybe not. One thing is for sure. Don't think about it, Jona. Lalo na namang magugulo ang pag-iisip ko. Just keep focus on your study.

Kung di ako nakipag text ng nakipag text kay Harizel kagabi, hindi ako male-late kaninang umaga. At kung hindi ko siya iniisip ngayon, nagagawa ko sana ng maayos ang pag re-research ko.


Kaso habang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong wag siyang isipin ay mas lalo ko siyang naiisip. Mas lalong kumakalat ang pangalan niya sa utak ko. It was leaking on my brain.

Namalayan ko nalang na tinatype ko na ang pangalan ni Harizel sa search box and when I pressed the enter. Napunta ako sa profile niya at tumambad sa akin ang cover picture niyang nakatopless siya at ang display photo naman niya ay isang mirror picture.

I don't know what's going with me. Basta nag scroll pa ako sa profile niya at nabasa ko ang status ng isa sa mga kaibigan niya kung saan naka tag si Harizel.

Rayneil De Lazar:
Shot later fellas. Walang mang iindian ha! Fvck you all.

Maraming nag comment at naglike doon. Naengganyo naman akong magbasa ng comment at doon nabasa ko kung saan sila magkikita. Nabasa kong sa isang bar na Astropia ang pangalan sila magkikita-kita. Sa pagkakaalam ko ay isa sa mga sikat na bar or club yata iyon dito sa makati at sa pagkakaalam ko rin ay sa may Burgos street iyon, the redlight district of makati.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon