Kabanata 37

12.4K 262 21
                                    

Kabanata 37
Welcome back

-----------
"Nasaan ka ngayon?" Tanong ni Kirsten sa akin na naka pixie cut na ang buhok. Maikli iyon, parang gupit lalaki tapos nakaside yung bangs. Pero bumagay iyon sa kanya dahil sa maliit niyang mukha na hugis puso.

"Nandito ako sa bookstore, sa office as usual." Sagot ko.

"Nandyan si Jest?" Nakangiting tanong naman ni Hannah.

Paglingon ko sa pwesto ni Jestoni ay wala na siya, yun pala'y nasa likod ko na siya at kumakaway sa mga kaibigan ko. Tuwang-tuwa namang nagsikaway ang mga ito sa kanya.

"Jest, bakit lalo ka yatang gumagwapo? Punta ka narin kasi dito para makita na kita ng personal." Ani Hannah.

Bakit kaya ang lakas ng loob nitong magpapansin sa crush niya? Bakit ako noon kapag may crush ako, magtama lang ang mga mata namin parang lalagutan na ako ng hininga, samantalang itong si Hannah ay nakukuha pang magpa-cute. Kung sabagay, iba-iba naman talaga ang mga tao, sadyang malakas lang ang fighting spirit nitong kaibigan ko.

"I can't. Walang mag-aasikaso ng bookstore dadalaw ako dyan kapag may time."

"Hindi nga?" Sabi ko naman sa kanya ng tingalain ko siya.

Tumawa siya at ginulo niya ang buhok ko. "Why do you have to mess up my hair?" Naaasar kong singhal sa kanya habang naglalakad siya papunta sa table niya.

"Maybe because you look so cute when you're irritated." Nakangisi naman niyang sagot ng umupo siya ng swivel chair niya at nagtipa sa kanyang laptop.

Pagharap ko naman sa mga kaibigan kong nasa screen ay kitang-kita ko ang mga ngisi nila.

"O bakit ganyan ang itsura niyo?"

"Ang cute niyo kasi." Sabay-sabay nilang sabi. Pakiramdam ko tuloy ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa sinabi nila.

"Tumigil nga kayo dyan! Naririnig kayo ni Jestoni, 'tsaka ikaw Hannah. You told me you like him so why are you teasing me on him, huh?" Hilaw akong tumawa. "Aminin, nasasaktan ka na no?"

Hindi alam ni Jestoni na crush siya ng kaibigan ko. Pero dahil binubuyo ako ni Hannah sa kanya. I better spill out the truth, 'tsaka parang wala namang naririnig itong si Jestoni dahil serious siyang nagtitipa sa laptop niya.

"Oo crush ko siya pero kaya ko namang tanggapin kung ikaw ang type niya. Parang noong kay Harizel--" Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin niya ng mapagtanto niyang hindi niya rin dapat iyon sinabi.

Maging ako ay nagulat sa sinabi niya at ng lingunin ko si Jestoni ay nakita kong nakatingin din siya sa akin. Hindi ko mawari kung anong ibig sabihin ng mga tingin niyang yon, pero nangungusap ang kanyang mga mata. Halatang may alam siya tungkol kay Harizel dahil naikwento ko ito sa kanya. Alam niya na si Harizel ang dahilan kung bakit naisip kong magtagal dito and that is because I want to forget him, and Jestoni knows that I never did it. I never forget him. He's still in my heart.

I may have a new heart but nothing change because I'm still in love with him. At kahit ilang beses pa yatang mapalitan ang puso ko. Siya at siya lang ang mananatiling laman nito.

"Jona, do you remember Rebecca and Alyssa? Last last day, nakita ko sila sa mall, hinanap ka nila sa akin. Si Rebecca buntis na pero walang asawa." Pag-iiba ni Ericka ng topic namin. Paano kong makakalimutan ang dalawang yon. Sila ang dahilan kung bakit ko nalaman ang totoo. Ang ginawang panloloko sa akin ni Harizel, na matagal ko ng binura sa puso ko.

Marami pa kaming napag-usapan ng mga kaibigan ko. Hanggang sa magpaalam na ako sa kanila.

Pagkatapos naming mag-usap ay napahugot ako ng isang malalim na buntong-hininga kasunod ng pagsandal ko sa upuan ko at ipinaikot ito.

Ten Things To Get Me (HBB #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon